Alison Black handang-handa nang lumaban sa Miss Supranational 2022, humiling ng dasal: Laban, Pilipinas!
NASA Poland na ang bet ng Pilipinas na si Alison Black para sa gaganaping Miss Supranational 2022 pageant.
Suot ang kanyang black OOTD, excited na ibinalita ng Pinay beauty queen ang pagdating niya sa Poland kung saan nakasama at nakilala niya ang ilan sa mga kapwa niya kandidata.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Alison ng kanyang litrato hawak ang bandera ng Pilipinas na may caption na, “Black in black. I’ve landed in Poland and I can’t wait to meet everyone tomorrow!”
Gaganapin ang grand coronation ng Miss Supranational 2022 sa Strzelecki Park Amphitheater sa darating na July 15.
Kapag sinuwerte at nagwagi sa nasabing international pageant, si Alison ang magiging ikalawang Miss Supranational titleholder. Ang kauna-unahang Pinay na nanalong Miss Supranational ay si Mutya Datul noong 2013.
Ang kanyang predecessor na si Dindi Pajares ay umabot naman sa Top 12.
View this post on Instagram
Nauna rito, nag-post din si Alison sa IG ng kanyang photo bago umalis ng bansa patungong Poland suot ang kanyang pink modern Terno na dinisenyo ni Marc Rancy.
Aniya sa caption, “Fun fact: The only times I’ve left the Philippines is to compete.
“Once in Hong Kong for a ballet competition, another time in Hong Kong for a business competition, and now to Poland for a pageant.
“You can say I have a knack for representing the Philippines. Please pray that the stars align for me one more time. Laban Pilipinas,” pahayag pa ng Pinay beauty queen.
https://bandera.inquirer.net/308319/miss-poland-karolina-bielawska-waging-miss-world-2021
https://bandera.inquirer.net/291275/miss-namibia-waging-miss-supranational-2021-dindi-pajares-umabot-sa-top-12
https://bandera.inquirer.net/286989/netizens-pinuri-ang-mensahe-ng-pamamaalam-ni-frankie-kay-noynoy-aquino
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.