Ivana Alawi nahirapan sa drama scenes sa ‘A Family Affair’: Kapag umiiyak ako, yung pabebe lang

Ivana Alawi aminadong nahirapan sa drama scenes sa 'A Family Affair': Kapag umiiyak ako, yung pabebe lang

IBINUNYAG ng Kapamilya actress at vlogger na si Ivana Alawi na labis siyang nahirarapan sa mga drama scenes sa kanyang upcoming teleserye na “A Family Affair”.

Bagamat may pagkakapareho ang ugali ng kanyang role sa tunay na buhay ay hirap pa rin siya sa tuwing iyakan na ang kanilang kukunan na eksena.

“Si Cherry Red kasi mapagmahal din sa pamilya. So nung binabasa ko yung script, pareho na pareho kami na mahal na mahal namin yung pamilya namin and if you watch my vlogs makikita mo kung gaano ko vina-value ang family ko,” saad ni Ivana.

“Siguro yung pinaka nahirapan ako sa mga iyakan. Kasi pag umiyak ako yung pabebe lang tapos dito pag yung mga drama talagang you really have to do well and nape-pressure ako dun. Sabi ko oh my gosh parang, ‘Direk, pang-drama ba ako? Parang pang-comedy,” natatawang pagpapatuloy ng aktres.

Ngunit suportado naman siya ng direktor at at sinasabing kaya naman niya ang mga eksena kaya mas nai-inspire siya.

Dagdag pa niya, “Sinasabi naman nila na kaya ko naman. Sobrang happy ko naman na sinasabi nila direk na they believe in me and hindi nila ako pini-pressure na umiyak. Kung anong kaya mo, ibigay, ibigay mo, kasi maganda. So na-inspire din ako to do better.”

Aniya, may hiya rin siyang nararamdaman habang nakikipag-work sa kanyang mga crush na sina Sam Milby at Gerald Anderson.

“Sa iba katulad kay Gerald, nahihiya akong biruin pa. Kasi si Gerald naman he’s very professional sa taping. Pag nag-i-internalize siya, pumapasok siya sa character, ang galing talaga. So parang ako na nahiya. Ayoko magbiro kay Gerald kasi professional talaga,” sey ni Ivana.

Maalaga rin daw ang aktor sa kanyang mga co-stars bagay na ikinatutuwa ng dalaga at nata-touch siya sa gestures nito dahil madalas niya itong makaeksena recently.

Kuwento ni Ivana, “He’s very, very maalaga sa co-stars niya at sa lahat so yun ang nakakatuwa sa kanya. Lahat sila actually very maalaga. Sobrang bait nila lalo na si Gerald. Kasi more on nakaka-eksena ko ngayon si Gerald recently. Sobrang na-ta-touch ako sa pagiging maalaga niya.”

Ikinuwento niya na may isang scene daw na kinakailangan niyang tumakbo nang nakapaa at sinigurado ng aktor na malinis ang kanyang dadaanan.

“Kasi may scene na tumatakbo akong nakapaa tapos siya mismo yung nagwawalis. Sabi ni Gerald sa akin, ‘Ha tatakbo ka wala kang tsinelas?’ Pero sabi ko nalinis na nila so okay lang yan. Sabi niya, ‘Hindi, hindi akin na yung walis. Walisin ko ulit.’ Baka kasi may bubog or something kahit nalinis na siya ng production. Nagwawalis siya. Sabi ko sobrang bait naman,” chika ni Ivana.

Samantala, mapapanood na ang “A Family Affair” ngayong Lunes, June 27 na pinagbibidahan nina Ivana Alawi, Gerald Anderson, Sam Milby, Jake Ejercito, at Jameson Blake na mapapanood sa A2Z, TV5, at The Filipino Channel.

Related Chika:
Ivana umaming may iniwang karelasyon kahit mahal na mahal pa niya: Hindi naman tama na magpaloko ako nang magpaloko!

Gerald, Sam magsasama sa seryeng ‘A Family Affair’, si Ivana pa rin ba ang leading lady?

Sam Milby may warning sa mga susunod na leading man ni Ivana Alawi…ano kaya yun?

Read more...