Leon Barretto nagsalita na sa isyu kaugnay ang amang si Dennis: This is me stepping up to protect my sisters

Leon Barretto nagsalita na sa isyu kaugnay ang amang si Dennis: This me stepping up to protect my sisters
NAGLABAS na ng pahayag si Leon Barretto ukol sa kinakaharap na isyu nilang magkakapatid kaugnay sa relasyon sa amang si Dennis Padilla.

Hindi na napigilan ng binata ang manahimik kaya naman naglakas loob na siyang magsalita sa pamamagitan ng open letter kay Dennis na ipinost niya sa Instagram dahil dumarami na naman ang mga nagagalit sa kanila nina Julia at Claudia matapos nilang hindi batiin ang ama noong nagdaang Father’s Day.

“Dear Papa, I have been contemplating whether I should write this to you and if this is even the best way to do so. But it seems that social media is your preferred way to reach us so maybe I can try it too,” simula ni Leon.

Agad siyang humingi ng tawad matapos niya itong hindi batiin kasabay ang eksplanasyon kung bakit nga ba walang natanggap na greeting ang ama.

“Sorry if I wasn’t able to greet you a ‘Happy Father’s Day’. It’s always been an awkward day for us cause we never seem to know where we stand with you every year. I’ve always envied people who never even have to think twice about greeting their dads a ‘Happy Father’s Day’,” pahayag ni Leon.

Aniya, sa nakalipas na sampung taon na pinilit nilang maging maayos ang kanilang relasyon ay paulit-ulit na lang daw itong nagkakalamat dahil sa pagtalakay ni Dennis ng kanilang private matters sa madlang pipol.

“Papa, why does it seem like you enjoy hurting your kids in public? Why do you keep posting cryptic posts about us and allow people to bash us on your own Instagram page? Do you think it does not pain all of us to not feel protected by their own father?” diretsahang tanong ni Leon sa ama.

Hindi naman daw sa ayaw nilang makipag-usap sa ama pero palagi raw kasing nauuwi ito sa hindi magandang karanasan.

“It’s not that we don’t want to talk to you, but the few times that we do to resolve the issues, you communicate by shouting, cursing, and using harmful words that traumatize us,” pag-amin ni Leon.

Hindi na rin napigilan ng binata na kwestiyunin ang ama kung mas mahalaga nga ba ang simpatya ng mga tao sa kanya kesa sa sakit na nararamdaman nilang magkakapatid.

Dagdag pa niya, nakakapagod na raw makit ang mga kapatid niyang nasasaktan sa tuwing hinuhusgahan ito ng mga tao dahil sa mga sinasabi ng ama.

“Your words have the power to destry your children, Papa. For years, I watched my sisters get torn into pieces because of your false narratives and not once did they ever explain their side nor speak negatively about you in public. It’s exhausting, papa. As the only man in the family, this is me stepping up to protect my sisters,” matapang na saad ni Leon.

Ang tanging hiling lamang daw niya ay makausad silamg lahat nang maayos kya nakiusap siya sa aman na sana ay tumigil na ito sa ginaawa na maaaring makaapekto sa kanilang pamilya.

“I need you to know that I want nothing else but to move forward in the safest and healthiest manner possible. I want peace, papa. Can you please stop resorting go public shaming when things don’t go your way?”

Hangad rin niya na sana ay dumating ang panahong mabati niya ang ama ng buo at bukal sa kanilang puso.

“I long for the day when I can greet you a ‘Happy Father’s Day’ and know that it comes from a place of gratitude and healing,” sey ni Leon.

Related Chika:
Dennis Padilla naiyak sa video ng pamamaalam ng mga anak ni Ruffa sa amang si Yilmaz Bektas

Father’s Day hugot ni Dennis kay Julia, 2 pang anak: You forgot to greet me last Sunday…hehehe! Love you!

Marjorie kina Claudine at Greta: It’s just gonna be more peaceful kung hindi bati…

Read more...