Bandera "One on One": Regine Velasquez | Bandera

Bandera “One on One”: Regine Velasquez

- May 17, 2010 - 02:41 PM

Text ni Dinno Erece, photo ni Ervin Santiago

“ATE” ang tawag ng lahat kay Regine Velasquez, mula sa production staff ng kanyang top-rating TeleBabad na Diva hanggang sa kanyang co-stars na sina Mark Anthony Fernandez at TJ Trinidad pati na rin ang director nilang si Dominic Zapata.
There is a big reason for that dahil the Asia’s Songbird has been top on everything about the soap and even behind the camera. Binisita namin ang set ng Diva on her last taping day bago sila tumulak nina Dingdong Dantes, Marian Rivera and boyfriend Ogie Alcasid for a six-city tour sa US at Canada.
Sayang at may benda pa rin ang mukha ni Regine na gumaganap na Sam nang amin siyang bisitahin so hindi namin siya nakunan ng picture. Sunod-sunod ang eksena niya dahil isang buwan nga siyang mawawala.

REGINE VELASQUEZ: Hanggang tomorrow morning (Wednesday last week) pa kami magti-taping kaya may ample time lamang ako para mag-impake ng gamit at damit ko para sa concert. Ten p.m. pa ang flight namin ng May 12.  Ang nakakaloka pagdating namin ng Toronto, Canada sa May 14, may time lang kami for our rehearsal at sa gabi, concert na namin.  Kaya ngarag talaga ang lola ninyo.
BANDERA: Last week, nagkasakit ka na at nag-collapse dahil sa sunod-sunod mong trabaho at lack of potassium, pero arya ka pa rin. Hindi ka ba natatakot for your health?
RV: Sanay naman talaga ako, pero grabe lang talaga ang naging init that week. Kumakain naman ako ng saging at palainom naman ako ng tubig, pero siguro, sa sunud-sunod na trabaho na rin kaya nangyari ‘yun.

B: Gaano ka-hectic ang naging schedule mo prior to this week ba?
RV: Dahil paalis nga ako, kailangang mag-daily taping kami, six days a week, para may maiwanan akong episodes na ipalalabas habang wala ako. Hindi biro iyong mag-start akong mag-taping ng 10 a.m. hanggang 3 or 4 a.m. May cut-off ako ng 12 midnight, pero dahil nagmamadali nga kami, okey lang sa akin iyon na tuluy-tuloy ang taping.  Kaya uuwi lamang ako at magri-rest ng ilang oras, balik-taping na naman ako ng 10 in the morning.  Bale ang pahinga ko lamang Sunday, sa pag-uwi ko, tulog na ako at gigising na lamang ako ng Monday morning, para mag-report na ulit sa taping. Kapag dumarating ako sa bahay wala na akong malay. Kinabukasan na lang ako nabubuhay.

B: Mabuti may nakakita sa iyo nang mag-collapse ka?
RV: That day na nag-collapse ako, sobra ang init sa set, umabot daw yata ng 42 degrees ang temperature, mabuti na lamang naglalakad kami ni direk Dom (Zapata) papunta sa set nang wala na akong naramdaman, nag-black-out na ako.  Hindi ko sana papansinin ang sakit ng ulo na nararamdaman ko, kaya lang twice na akong uminom ng gamot sa migraine ko, hindi pa nawawala, iyon pala iba ang cause ng pagku-collapse ko. Mabuti na lang at nang mag-collapse ako, maganda na ako as Melody. Biro mo kung nag-collapse ako na si Sam na pangit, baka walang tumulong sa akin.

B: At least nakapagpahinga ka sa ospital kahit paano?
RV: Naku hindi rin. Three days ako doon pero stressed ako sa dextrose. They ran a lot of tests at low na nga ang potassium ko kaya wala na akong na-absorb na nutrients. Kahit inom ako nang inom ng tubig, kapag nag-CR ako, lumalabas din iyong nutrients sa katawan ko.  Kaya kailangan nila akong saksakan ng potassium through the dextrose, ang sakit, kaya naman kahit gusto ng doctor ko na mag-stay pa ako ng three days, hindi na ako pumayag.

B: Di pinagalitan ka na naman ni Ogie?
RV: No, hindi na niya ako pinagalitan, inalagaan pa niya ako. Dapat nga a-attend pa  ako ng 7th Golden Screen Awards para kumanta ng nominated theme songs, pero hindi na ako pinayagan ni Ogie, magpahinga na lang daw ako.

B: Speaking of Ogie, react naman sa ginawa niya ring pag-react sa nangyaring pagre-resign ni direk Louie Ignacio sa Party Pilipinas. Hindi kasi pinangalangan ni direk Louie yung mga unprofessional stars daw sa una niyang interview and some people presumed it was you. Tapos pinagtanggol ka pa ni Ogie kaya lalong inisip ng iba na ikaw na nga yun.
RV: I was not really thinking na ako iyon kasi nagri-rehearse naman ako kahit pa ngarag ako kung galing ako sa taping, kahit pa ang song na ipinakakanta nila sa akin ay hindi ko naman gusto, sumusunod lang ako sa kanila. Hindi naman ako masyadong involved sa show, basta pumupunta ako roon para kumanta, si Ogie ang creative director ng show.  Pero noong mag-resign si Louie, wala na ako sa show, two Sundays na akong hindi nakakapag-join dahil nga sa taping ng Diva, kaya hindi ko alam kung saan nanggaling ang issue na iyon. Si Ogie nga, pinigilan ko nang mag-comment, pero alam naman ninyo iyon, kapag ako na ang napag-usapan, mapagpatol iyon.  Hindi pa nga lamang kami nakapag-uusap ni Direk Louie.

B: Pero okay kayo ni Direk Louie?
RV: A lot of people don’t know, creatively ay nagdya-jive kami ni Direk Louie. At dahil bakla siya, lola niya ako.

B: Di si Ogie naman ang pinagalitan mo sa pagpatol?
RV: Sabi ko sa kanya, hon, we both know it wasn’t me, huwag mo nang patulan. Eh, may nag-text daw kasi ng reaction niya kaya niya gustong sagutin. Sabi ko huwag na. Eh na-send niya na raw (sabay tawa). Alam mo naman ‘yun mahilig ding pumatol.

B: Galing din ‘yang tsismis na yan sa mga FB at Twitter accounts. Remember ‘yung naging stalker mo noon na unang nagpakilala as your personal account?
RV: Oo nga, eh. Kung saan-saan nanggagaling kasi ang mga balita pati nga ang driver ko pinagdududahan ko na baka siya ang poser ko (sabay tawa) kaya tanong ko sa kanya Ondong (pangalan ng driver) may Twitter account ka ba?

B: May one month concert tour ka, tapos extended ang Diva hanggang June or July pa. What’s next for the Songbird?
RV: Matatapos na namin ang “epic” movie ko with Aga (Muhlach). Tapos ang first indie movie ko na “Mrs. Recto” directed by Dante Nico Garcia.

B: Di as usual, wala na namang bayad ang tinanggap mong indie movie?
RV: Hindi ha, ako ang highest paid indie star. Milyon-milyon ang matatanggap ko diyan! (Sabay tawa uli)
Tapos after ng Diva, ng concert abroad, ng indie film, baka mag-rest na muna ang lola n’yo. Siguro sa August, para kasabay na ng birthday ni Ogie. Baka mag-travel na naman kami, minus na work, siyempre. Pahinga lang ‘to.

B: Sino pa ang dream guest star mo na gusto mong um-appear sa Diva?
RV: Si Cyndi Lauper? Joke! Nasabihan na ako nina Richard Gutierrez na gusto niyang umapir, so aayusin namin ang schedule para makapasok siya kung may oras pa rin siya.

B: Birit kung birit ka talaga kapag kumakanta, pero marami ang nag-iisip kung may isang song ka na nahihirapan kang kantahin, ano kaya yun?
RV: Hindi ka maniniwala, pero totoo, “Lupang Hinirang”. Yeah! True! Hindi naman sa I’m not proud of our National Anthem. Actually, it’s a very beautiful song, pero talaga isa ‘yan sa  hardest songs I have ever sung in my life. Hindi ko alam, pero siguro dahil mahaba siya at nakakalito ang lyrics. Tsaka nandu’n ‘yung fear mo na baka any moment, e, magkamali ka! At huli kong kinanta ‘yan nu’ng Manny Pacquiao-Narongrit Pingrat pa, 2004 pa ‘yun.

Bandera, Philippine Entertainment Tabloid Online, 051710

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naaliw ka ba sa interview kay Regine? Mayroon ka bang gustong maka-one-on-one ng Bandera. Magkomento sa 0929-5466-802 at 0906-2469-969.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending