Lovi, Juday napatunayan ang pagiging 'Ultimate Leading Man' ni Piolo: Talagang magaling siyang magpakilig, grabe! | Bandera

Lovi, Juday napatunayan ang pagiging ‘Ultimate Leading Man’ ni Piolo: Talagang magaling siyang magpakilig, grabe!

Ervin Santiago - June 22, 2022 - 07:38 AM

Piolo Pascual, Lovi Poe at Judy Ann Santos

“MAGALING talaga siyang magpakilig!” Yan ang pinatunayan nina Lovi Poe at Judy Ann Santos sa pagiging Ultimate Leading Man  ni Piolo Pascual.

In fairness, puro papuri at positibong mga komento ang natanggap ng award-winning Kapamilya actor mula sa dalawa niyang leading lady.

Sina Lovi at Papa P ang bida sa Pinoy remake ng hit Korean series na “Flower of Evil” na mapapanood na sa Viu at sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN this week.

Sa nakaraang episode ng “Magandang Buhay”, natanong si Lovi kung paano niya ilalarawan si Piolo hindi lamang bilang ka-loveteam kundi bilang isang tao.

Sey ng aktres, totoong napakabait at napaka-sincere na tao ni Piolo at walang kayabang-yabang sa katawan.

“He’s like the most genuine actor na nakasama ko na. Parang hindi ko nga maisip na iba ang makakapareha ko sa first TV show ko rito.

“Napakabait niya, napakamaalaga and also very sincere as an actor. Parang lahat na ng gusto mo sa isang guy ay nasa kanya,” pagpapatunay ni Lovi sa pagkatao ni Papa P.

Super agree naman si Juday sa sinabi ni Lovi kasabay ng pagsasabing napakagaling talagang magpakilig ng binata bilang aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dreamscape Entertainment (@dreamscapeph)


“Actually Piolo is a very good actor. Napaka-professional niyan. Talagang bibigyan ka niya ng pagkakataon. Mahusay si Piolo magpakilig, mahusay siyang artista, alam niya ang timpla niya,” pahayag ni Juday.

“Totoo, magaling talaga siyang magpakilig,” hirit uli ni Lovi na aminadong super crush talaga niya ang aktor at kahit noong nasa GMA 7 pa siya ay pangarap na niya itong makatrabaho.

Samantala, magkahalong kaba, takot, excitement at pagiging proud ang nararamdaman ni Lovi habang papalapit na ang pagpapalabas ng “Flower of Evil” na unang drama series niya bilang Kapamilya.

“Iba talaga ‘yung pakiramdam nung natapos namin yung ‘Flower of Evil’ kasi siyempre kapag nasa trabaho kami parang everyday sinisigurado namin na prepared kami sa set at we are jumping from one episode to another.

“Pero nu’ng natapos namin parang iba ‘yung fulfillment kasi alam mong iba ‘yung pagod at ‘yung hirap at ‘yung dedication ng bawat tao sa amin.

“Like hindi lang kaming buong cast, ‘yung staff, crew, our directors. When I say buong puso ang ibinigay, buong puso at kaluluwa na talaga,” chika ni Lovi Poe.

Tutukan ang “Flower of Evil” sa Viu ngayong June 23 at 24, at sa Kapamilya Channel at A2Z sa June  25 at 26.

https://bandera.inquirer.net/314169/lovi-poe-biglang-na-conscious-kay-piolo-bakit-kaya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/316490/lovi-poe-sinita-ng-dyowa-nang-mahuling-sweet-sweetan-kay-piolo-pascual
https://bandera.inquirer.net/301117/sino-nga-ba-ang-ultimate-leading-lady-ni-john-lloyd-cruz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending