‘Kissing photo’ ni Jeric sa kapwa lalaki ikinagalit nang bonggang-bongga ni Rabiya?
NAG-VIRAL kamakailan ang larawan ni Jeric Gonzales na may kahalikang lalaki na kuha pala sa isa niyang indie film.
Ito ang dahilan kung bakit muling nabuksan ang isyung may nakalapit na kaibigang bading ang aktor noong hindi pa niya kasintahan si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.
Sa “Showbiz Now Na” YouTube channel nina ‘Nay Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio ay naging topic ito at inilabas ng una ang kanyang nalalaman tungkol kay Jeric.
Bungad niya, “Hindi nakaganda ‘yung paglabas ng picture ‘yung tungkol sa tinakpan ‘yung mukha ng beki. Hindi nga natin alam kung totoong beki nga.”
“May singsing pa ‘no?” sabi naman ni Morly.
Hirit ni Romel, “Identical ring, paano natin ipapaliwanag ‘yun?”
“Ano ang masasabi ninyo kay Jeric kasi tuwing may makakarating kay Rabiya tungkol kay Jeric Gonzales, nagbabanta siyang umalis, makikipag-break! At ang balita nga iniwan na si Jeric, tapos makalawa sila na naman,” say ni Nanay Cristy.
View this post on Instagram
“Bakit ang kuwentong ito nakakasawa na, bakit parang nilalaro yata tayo hindi sila?” tanong ni Romel.
Ang obserbasyon ng manunulat at vlogger ay dahil na rin sa paglalabas ng larawan nina Jeric at Rabiya na sweet na sweet sa gitna ng isyu tungkol sa viral photo ng aktor kasama ang kahalikang bading.
At dito na nagkuwento si Morly na pinag-awayan nang matindi nina Jeric at Rabiya ang isyung ito dahil nabuksan daw ng dalaga ang cellphone ng aktor na niyaya siyang magkita sila at nagkataong kilala nito ang nagpadala ng mensahe.
“E, kilala ni Rabiya itong beki at iyon ang pinagsimulan ng unang pag-aaway ng dalawa dahil natutunugan ni Rabiya na may mga past bekis sa buhay (ni Jeric),” say ni Morly.
“May mga pailalim na kuwento na hindi sinabi sa kanya?” sambit ni Nanay Cristy.
“Oo, hindi sinabi ni Jeric sa kanya (Rabiya),” susog ni Morly.
“Okay! Siguro lalo na pag nakarating sa kanya ‘yung kilala namin ni Japs talaga, matindi ito,” saad ni ‘Nay Cristy.
Sundot ni Morly, “Yung nagbigay ng vroom-vroom (motorsiklo)?”
“Alam mo Morly, kapag nilista ko lahat-lahat baka mula ro’n hanggang dito (sabay turo), kulang,” saad ng manunulat.
“Sa rami? Grabe naman?” sambit ni Morly.
“Alam mo may mga tao sa tabi ni Jeric na ang lahat daw ay paninira lamang kahit naman itong huli (kaibigan ni Jeric) ay producer ito, nagkatuwaan lang daw.
“Gagawin mong katatawanan ang buhay mo namagsusuot kayo ng singsing na identical at maghahalikan kayo at tatakpan ‘yung isa, di ba?” bahagi pa ng kuwento ni Nanay Cristy.
“Alam mo always kawawa ang mga bakla talaga sa relasyon, puwedeng-puwede tayong i-deny kahit na buong buhay mo naibigay mon a lahat-lahat kahit huling singko sa bulsa mo naibigay mo na,” pahayag ni Romel.
Bukas ang BANDERA para naman sa panig ni Jeric Gonzales.
https://bandera.inquirer.net/315084/jeric-gonzales-feeling-super-lucky-nang-maging-dyowa-si-rabiya-mateo-may-pinatunayan-sa-mga-bashers
https://bandera.inquirer.net/315887/kissing-photo-ni-jeric-sa-kapwa-lalaki-nilagyan-ng-malisya-rabiya-naglabas-ng-ebidensya-para-patunayang-walang-hiwalayan
https://bandera.inquirer.net/308511/jeric-nag-propose-muna-kay-rabiya-bago-nanligaw-love-story-nagsimula-sa-wish-ko-lang
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.