Dimples Romana muling naimbitahan bilang juror sa 50th Emmy Awards: I’m super kilig!
BONGGA! Ibinandera ng Kapamilya actress na si Dimples Romana na nakatanggap siya ng invitation para maging isa sa mga jurors ng 2022 International Emmys.
Ibinahagi ng celebrity mom sa social media ang good news at tinawag nga itong isa sa mga biggest blessings na natanggap niya ngayong 2022.
Ipinost ni Dimples sa Instagram ngayong araw, June 20, ang imbitasyon na natanggap mula sa International Academy of Television Arts & Sciences.
Aniya sa caption, “Starting this amazing week with a heart full of gratitude as I share with you one of the many surprise blessings I received these past months!
“And now finally I can officially share my joy with you. So honored and grateful to have been able to participate as a JUROR for this year’s prestigious International Emmy Awards Competition. I’m super kilig!!!” ang isinulat na caption ni Dimples sa kanyang IG post.
Chika pa ng “Viral Scandal” star na super excited na siya sa pag-attend sa 50th International Emmy Awards na gaganapin sa New York sa darating na November.
“I thank the International Academy of Television Arts & Sciences for letting me have this once in a lifetime experience that has truly inspired my thespian heart.
“Contributing in selecting the BEST TELEVISION programming from around the WORLD was both my honor and pleasure,” sey pa ni Dimples na nakatakda nang manganak next month sa third child nila ni Boyet Ahmee.
Actually, ito na ang ikalawang pagkakataon na naimbitahan si Dimples na maging juror sa nasabing event.
Noong July, 2020, naging bahagi rin siya ng 48th International Emmy Awards.
Related Chikas:
Dimples Romana buntis sa ikatlong baby, muntik maibuking ni Angel Locsin
Dimples Romana naging beauty queen muna bago sumikat sa showbiz; kinoronahan ni Gloria Diaz
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.