Albie hindi na natatakot mag-host kahit may dyslexia, ADHD: Ngayon, gets na gets ko na siya! | Bandera

Albie hindi na natatakot mag-host kahit may dyslexia, ADHD: Ngayon, gets na gets ko na siya!

Ervin Santiago - June 20, 2022 - 07:38 AM

Albie Casino

NA-OVERCOME na ng Kapamilya hunk actor na si Albie Casiño ang kanyang takot kapag sumasabak sa pagiging host dahil sa kanyang “dyslexia” at ADHD o attention deficit hyperactivity disorder.

Ayon kay Albie, isa talaga sa mga pangarap niya noong pasukin niya ang mundo ng showbiz ay ang  pagho-host ngunit nagdadalawang-isip siyang maisakatuparan ito dahil sa kanyang dyslexia.

Base sa isang health website, “Dyslexia is a learning disorder that involves difficulty reading due to problems identifying speech sounds and learning how they relate to letters and words (decoding). Also called reading disability, dyslexia affects areas of the brain that process language.”

“Dream come true ito na maging host ako. Lagi nila akong sinasabihan na, ‘Try mo kayang mag-host?’ Eh, kasi takot akong magbasa eh, may dyslexia ako,” sabi ng aktor.

Nakapanayam namin si Albie kasama ang ilang piling miyembro ng entertainment media sa grand launch ng reality talent search ng Cornerstone Entertainment at TV5 na “Top Class: The Rise To P-Pop Stardom.”

Pagpapatuloy ni Albie, “Kapag may prompter, natatakot ako, nagpi-freeze ako before. Pero like ngayon, siyempre sa lahat naman ng bagay, habang patagal nang patagal mong ginagawa, gumagaling ka sa bagay na iyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Albie Casiño (@thestallion09)


“So now, gets ko na, kapag nabasa ko na ‘yung prompter, okay na, alam ko na ‘yung talking point nito. So kahit hindi ko sundan yung prompter, alam mo yun, may style na ako,” paliwanag ng binata.

Nagpapasalamat din siya dahil bukod nga sa dyslexia, hindi na rin daw nakaaapekto sa trabaho niya ang pagkakaroon ng mental condition na ADHD.

Sey ni Albie, “Yes, totoo, na-overcome ko yung fear ko. And ngayong iniisip ko, I’ll say na its easy, kasi nagagawa ko na siya lagi. Pero I’m sure noong nagsisimula pa lang ako, nahihirapan ako.”

Si Albie ang magsisilbing co-host ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa “Top Class: The Rise To P-Pop Stardom” na nagsimula na sa last Saturday sa Kumu at sa TV5.

Pero paglilinaw at pagpapakumbaba ng aktor at TV host, “Siguro, hindi ko pa masasabi na host na talaga ako, until I host a major pageant.

“Feeling ko parang iyan ang basehan ko na doon ko masasabi na, ‘Okay, host na talaga ako’. Or mga company Christmas party, iyong mga ganyan na event, corporate, feeling ko ay may levels iyan, eh.

“So iyon nga, kapag pageant event or corporate event, baby steps… one at a time,” pagbabahagi pa ni Albie.

Samantala, nauna nang sinabi ni Albie na hindi na niya kino-consider na kapansanan ang kanyang mental condition, “I always tell people that I don’t think of these as handicaps. I’m totally normal, at least yun ang feeling ko sa sarili ko. Ha-hahaha! Na normal ako.

“I always tell people who suffer from ADHD or dyslexia that these things are not hindrances, think of it as superpowers.

“We have so much energy and we can use that for lots of things. We just have to focus. Yun talaga ang pinakamahirap sa may dyslexia. Like now, I’m doing an interview, but other things are coming to my mind, like going to the gym, going live on Kumu,” diin ni Albie.

https://bandera.inquirer.net/296857/albie-aminadong-may-adhd-mas-kalmado-ang-isip-kapag-nag-work-out

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/315526/albie-casino-hindi-itinututing-na-kapansanan-ang-adhd-proud-na-proud-sa-biyak
https://bandera.inquirer.net/284982/andrea-nagka-eating-disorder-hiyang-hiya-nang-tinadtad-ng-pimples-ang-face

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending