Bugoy Cariño hindi tinanggap ang tulong para sa panganganak ni EJ Laure: Ako yung tatay, lalaki ako, dapat ako yung magbabayad | Bandera

Bugoy Cariño hindi tinanggap ang tulong para sa panganganak ni EJ Laure: Ako yung tatay, lalaki ako, dapat ako yung magbabayad

Ervin Santiago - June 20, 2022 - 07:43 AM

EJ Laure at Bugoy Carino

“KAPAG nandu’n po ako sa ospital, may papasok na nurse, doctor, magtatago na ako sa CR. So, kung gaano katagal yung nurse, yung doctor, ganu’n din ako katagal sa CR.”

Bahagi yan ng pagtatapat ng dating child star na si Bugoy Cariño tungkol sa ginawa niyang pagtatago noong mabuntis at manganak ang partner niyang volleyball player na si EJ Laure.

Sa bagong vlog ni Karen Davila, matapang na ibinahagi ng former Goin’ Bulilit star ang mga hirap at sakripisyong pinagdaanan niya noong maging tatay siya sa edad na 16, lala na noong inililihim pa nila ni EJ ang pagbubuntis sa anak nilang si Scarlet.

“Alam n’yo po, Miss Karen, yung pinakamasakit sa akin na part sa pagiging tatay, kunyari pag tsine-check-up si EJ, kapag tsine-check-up siya, di ba dapat, kapag tatay ka, kasama ka?

“Itse-check mo yung heartbeat, itse-check mo yung baby, itse-check mo yung hitsura niya, yun yung hindi mo magawa.

“Parang doon ako nalungkot na parang kapag nakakanood ako sa Facebook na mga video ng tatay na kasama nila yung asawa nilang manganganak, doon ako nalungkot.

“Sabi ko, ganu’n pala talaga ano, ang unfair kasi hindi pa kami magkasama kasi bawal po ako makita sa ospital,” simulang pagbabahagi ni Bugoy.

Dito na niya nabanggit ang pagtatago niya sa CR ng hospital room ni EJ para hindi makita ng mga doktor at nurse na tumitingin sa nanay ng kanyang anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bugoy Cariño (@iambugoycarino03)


“Kapag dumadalaw po ako kay EJ noong nasa ospital na siya, ginagawa ko po, naka-mask ako, tapos naka-hood. Nakikilala pa rin po ako ng tao pero hindi ko na lang po pinapansin, kasi hindi naman nila alam na si EJ yung nasa kuwarto ng ospital.

“So, kapag nandu’n po ako sa ospita, may papasok na nurse, na doctor, magtatago ako sa CR. So, kung gaano katagal yung nurse, yung doctor, ganun din ako katagal sa CR.

“May time na isang oras yung doktor, so ako sa CR, isang oras din ako ‘tapos naka-jacket pa ako. Tine-text ko na si EJ, sabi ko, ‘Beb, di pa ba matatapos ‘yan? Sobrang init na dito, kulob na kulob na ako naka-jacket pa ako,’” kuwento ng batambatang ama.

Samantala, hindi rin naging madali para sa kanya ang sustentuhan ang kanyang mag-ina dahil tinanggal siya s mga programa niya sa ABS-CBN dahil nga sa nangyari.

Aniya, nagsabi raw ang volleyball team ni EJ na Foton Tornadoes na tutulungan ang kanilang player, “Ang magbabayad po talaga sa ospital ay dapat, yung team ni EJ which is yung Foton. Sila dapat magbabayad. Dito ko lang po sinabi yun.”

“Nalaman ko na yung team yung magbabayad, pinigilan ko. Sabi ko, ‘Bakit po kayo yung magbabayad? Kayo po ba yung tatay ng baby?’

“Parang sabi nila, ‘Hindi, gusto lang namin tulungan kayo ni EJ.’ Sabi ko, ‘Hindi po, okay na po kami. Ako po dapat ang gagawa ng way para makabayad kami,’” paliwanag ng young actor-turned entrepreneur.

Buti na lang daw at may naipon siya kahit paano mula sa kanyang pag-aartista, “Opo, kasi sa ABS meron kaming savings kapag minor ka. So, yung savings po na yun, yun po yung pinambayad ko, kasi medyo malaki din po kasi caesarian si EJ, e.

“Medyo malaki rin po binayaran namin, 300 (thousand). Sabi ko, ako yung tatay, lalaki ako, dapat ako yung magbabayad. Hindi po puwedeng ibang tao kasi ako gumawa niyan, e.

“Dapat ako rin magpapakahirap sa bayaran, di ba? So okay naman, ako po yung nagbayad talaga,” ani Bugoy kay Karen.

Pag-amin pa ng batang ama, “Honestly, sobrang hirap, wala po akong work, hindi po ako nakikita sa TV. So, parang iniisip ko sa sarili ko na, ‘Kilala pa kaya ako ng tao? Magkakapera pa kaya ako?’

“Iniisip ko po kasi bata pa po ako, ‘tapos gusto ko pa po makatulong sa family. Tapos, yun yung time po na saktong sakto na bago po mag-pandemic, nakapagpatayo po ako ng mineral station so yun po yung first business ko, du’n po ako nabuhay.

“Nag-online selling din po ako noong pandemic kasi parang hindi pa masyadong sapat yung kinikita sa mineral station.

“E, ako po, siyempre as an artist parang nakakahiya po. Sorry po, ha, parang nakakahiya po kasi na ibababa mo yung pride mo para mag-online selling ng mga gamit.

“Noong una, ayaw ko po talaga. Sabi ko, nakakahiya, sobra alam niyo naman po yung mga tao, di ba? Noong mga third na pang-online selling namin, sabi ko, ‘Hindi, sige gagawin ko ito para sa atin din, para okay tayo.

“Ginawa ko po siya then noong okay, maraming basher pero wala akong paki, hindi naman po ako kikita sa kanila, e. So sabi ko, ititinda ko lang itong binebenta ko para kumita ako, dun ako magpo-focus.”

Ito naman ang natutunan ni Bugoy mula nang maging ama, “Yung para maging responsable ako, mas naging mature yung pag-iisip ko po. Una sila bago ako.

“Ang sarap pala pag inuuna mo yung family mo. Lahat ng mga nawala sa akin, si Scarlet yung bumalik, sobra pa. Kaya sobrang thankful po ako kay God kasi di ko alam paano siya papasalamatan, sobrang blessed naming tatlo,” pahayag ni Bugoy.

https://bandera.inquirer.net/316288/bugoy-cario-umaming-binalak-ipalaglag-ang-anak-masakit-din-na-nung-naging-tatay-ako-yung-family-ko-hindi-ko-na-natutulungan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/297167/dyowa-ni-bugoy-nilait-sa-panahon-ngayon-hindi-mo-kailangang-nagdyowa-ng-may-itsura-at-malaking-cocomelon
https://bandera.inquirer.net/305072/ina-raymundo-naging-instant-nurse-nang-magka19-ang-pamilya-nag-share-ng-first-aid-tips

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending