John Estrada super happy sa b-day greeting ni Coco Martin, inaming super hanga sa aktor

John Estrada super happy sa b-day greeting ni Coco Martin, inaming super hanga sa aktor

SOBRANG na-appreciate ni John Estrada ang heartfelt birthday message na ipinadala sa kanya ni Coco Martin through text.

Mag-celebrate si John ng kanyang birthday sa lock-in taping ng “Ang Probinsyano” recently.

“Kuya John thank you sa lahat…sa lahat ng suporta mo sakin at lagi ko pong binabaon sa puso at isip ko ang lahat ng mga kwentuhan at pangaral mo sakin. Isa ka sa mga kaibigan ko na sobra kong pinahahalagahan. Wala akong masabi sayo kundi thank you so much and happy happy birthday. Hangad ko sayo at sayong pamilya ang kaligayahan at kaligtasan. Mas lalo ka sanang pagpalain ni God. Love you very very much.”

That was Coco’s text message na talagang nakaantig sa puso ni John who posted it sa kanyang Instagram account.
“Bukod sa messages sa akin ng asawa ko at ng mga anak ko, mga matalik kong kaibigan, Itong bday message sa akin ni coco kahapon ang masasabi kong nag pasaya ng sobra sa aking kaarawan.

“Sobra ang paghanga ko sa taong to, kung makikita nyo lang ang galing, dedikasyon,sipag, pagmamahal ng taong to sa trabaho nya at higit sa lahat ang pakikitungo nya sa mga katrabaho nya, d lang sa kapwa nyang artista lalong lalo na sa mga taong wala sa kamera, mapapanganga kayo sa paghanga sa kanya, maraming maraming salamat co, at mahal na mahal na mahal ka rin ni kuya john mo.

“At sa lahat ng mga tao na nasa paligid ko na nag papa gaang sa buhay ko dito sa trabaho natin … Maraming salamat, Mahal ko kayong lahat.”

That was John’s caption sa kanyang photo.

 

 

* * *

Maraming itinuro ang David at Lexy characters nina Zanjoe Marudo at Sue Ramirez sa “A Broken Marriage Vow”.

During the live presscon, we asked them kung ano ang hindi naituro ng kanilang character.

“Bukod sa maging faithful, ‘yun din ang hindi itinuro sa kanya, ang sumuko kahit na talagang nasa rurok na o nasa sahig na, kahit ano’ng mangyari, hindi siya talaga sumuko sa gusto niyang mangyari, umpisa hanggang dulo. Kahit na ano pa’ng humarang diyan, hindi ako susuko. Gusto kong makuha kung ano’ng gusto ko. Gusto kong mangyari ang gusto kong mangyari, kahit na ano’ng mangyari sa lahat ng tao sa paligid ko,” say ni Zanjoe.

“Ang na-observe ko kay Lexy, hindi niya ako naturuan na maghiganti. Parang all throughout the running of the show si Lexy, she was going with the flow. Sumusunod siya kay David pero parang hindi ko naramdaman na nagkaroon siya ng emotion na gusto niyang maghiganti. Parang she was just doing it because it made her happy. That’s one of the things that I look up to with Lexy. Parang magkaibang-magkaiba sila ni Jill doon sa handling sa situation,” say naman ni Sue.

Nasa last week na ang show next week at maraming ganap sa series na talagang kaabang-abang. Nakipaghiwalay na si Lexy kay David kaya naman bumabalik si David kay Jill.

What happens next is truly kaabang-abang.

 

Related Chika:
Lovelife hugot ni Barbie Imperial: Ang bilis kong ma-in love…ang dami kong bubog sa buhay

Promise ni Neil ngayong b-day ni Angel: I’ll be beside you all the way, I love you!

Maggie Wilson may hugot na naman sa co-parenting status nila ng ex-husband para sa anak

Janice ayaw nang makatrabaho si John, pero payag kay Aga: Magkaiba kasi yung status ng relationship…

Read more...