Lovelife hugot ni Barbie Imperial: Ang bilis kong ma-in love...ang dami kong bubog sa buhay | Bandera

Lovelife hugot ni Barbie Imperial: Ang bilis kong ma-in love…ang dami kong bubog sa buhay

Ervin Santiago |April 06,2022
facebook
share this

Lovelife hugot ni Barbie Imperial: Ang bilis kong ma-in love…ang dami kong bubog sa buhay

Ervin Santiago - April 06, 2022 - 07:15 AM

Barbie Imperial at Diego Loyzaga

MARAMING natutunan si Barbie Imperial sa pakikipagrelasyon niya sa apat na lalaking naging bahagi na rin ng kanyang buhay.

Bukod sa last boyfriend niyang hunk actor na si Diego Loyzaga, malaki rin daw ang naitulong sa kanya ng mga ex-dyowang sina Ryle Santiago, Paul Salas at JM de Guzman para mahanap at mas mahalin pa ang kanyang sarili.

Aminado si Barbie na umasa na rin siyang si Diego na ang kanyang “forever”, “‘Yun ‘yung love na akala ko ‘yun na ‘yun. The one. May mga conversations kasi kami ni Diego na parang akala rin namin pareho na ‘yun na ‘yun.

“Pero nagulo talaga ‘yung relasyon namin. Siguro rin kasi too much din ‘yung exposure namin sa mga tao. Eh, para sa akin kasi minsan, kapag sobrang alam na ng lahat ng tao ‘yung about sa personal na buhay niyo, kapag in-allow niyo silang makapasok sa world niyong dalawa bilang couple, parang kaya na rin nilang sirain,” pahayag ni Barbie sa pakikipagchikahan niya kay Toni Gonzaga sa bago nitong vlog.

Sey ni Barbie, mahal pa rin nila ni Diego ang isa’t isa nu’ng maghiwalay sila pero hindi na nila pinilit na i-save ang relasyon dahil baka muli lang silang magkasakitan.

“Siguro for us, ganu’n namin ka-love ‘yung isa’t isa na hindi na muna namin ita-try. Kasi ako noon akala ko, kapag mahal mo ‘yung tao, enough na ‘yun.

“Like, kapag alam namin na love namin ‘yung isa’t isa, pwede na kaming magbalikan ulit. Pero sa amin po, parang takot kami na masaktan ‘yung isa’t isa ulit.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BARBIE IMPERIAL (@msbarbieimperial)


“Kasi alam namin na ngayon, okay kami, magkaibigan kami. Parang natatakot kami i-risk na baka kapag nag-try kami ulit, mas masira. Eh mas okay na kami ngayon na magkaibigan kami,” lahad ng dalaga.

Pagpapatuloy pa ng Kapamilya actress, “Kumbaga for me, sa second time na i-allow ko ‘yun, and hindi ako happy doon, magtutuloy tuloy siya. Hindi lang kami magiging masaya.”

Marami rin daw siyang realizations matapos silang maghiwalay ni Diego, “Before po kasi, parang ang bilis kong ma-in love. I mean, hindi naman ‘yung kung kani-kanino akong lalaki, pero kapag na-feel ko ‘yung connection sa isang lalaki, kapag na-feel ko na love na love niya ako at inaalagaan niya ako, ‘Ah, baka ito na ‘yun.’

“Pero na-realize ko po na baka kaya paulit-ulit na nagpe-fail ‘yung relationships ko kasi hindi naman po talaga ako buo, eh.

“Parang pandemic ko lang na-realize na ang dami kong bubog sa buhay. Na baka ‘yun din ‘yung isang dahilan kung bakit apektado ‘yung mga relasyon ko, ‘yung mga tao sa paligid ko,” chika ni Barbie.

Dugtong pa ng dalaga, “Mas na-enjoy ko lang na mag-isa po ako. Before parang kailangan ko lagi ng mga tao para maging okay. Like kahit mga kaibigan ko, palagi ko silang tinatawagan na, ‘Puntahan niyo ako, hindi ako okay.’

“Hindi ko kayang mag-isa. Nagbe-breakdown po ako kapag mag-isa ako. Pero ngayon nae-enjoy ko na, na nasa kwarto lang po ako, nagmo-movie ako mag-isa, nagbabasa ako ng libro mag-isa, kahit anong gawin ko na mag-isa.

“Dati po people pleaser talaga ako, eh. ‘Yung parang gusto kong okay ‘tong taong ‘to sa akin, dapat ito ‘yung iisipin niya about me. Pero I think ‘yung naitulong ng relasyon ko with Diego, lalo nung naghiwalay kami, was to learn kung paano maging mag-isa and maging okay about it,” sabi pa ni Barbie.

Kasunod nga nito, nabanggit din niya na may mga natutuna din siya sa pakikipagrelasyon niya noon kina Ryle, Paul at JM, “Every pain pala na na-experience ko from them, ‘yun pala ‘yung tutulong sa akin para mahanap ko ‘yung sarili ko.

“Kasi if hindi po ako nasaktan nang ganu’n, kina Ryle, Paul, kay JM, kay Diego, siguro hindi rin ako matututo nang ganito and hanggang ngayon siguro takot pa rin ako mag-isa,” diin pa ni Barbie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey pa ng aktres, pahinga muna siya sa pakikipagrelasyon at nagdesisyong magpo-focus muna sa pamilya at career.

Barbie Imperial sa mga iniwan, sinaktan ng dyowa: OK lang na masaktan, tao lang naman tayo

Barbie Imperial umasa nga bang magkakabalikan pa sila ni Diego Loyzaga?

Barbie itinangging buntis, humirit kay Diego: Ako nga pala yung sinayang mo! Ha-hahahaha!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending