Daniel, Kathryn 2 beses nang absent sa kasal ng mga kaibigan, may issue nga ba? | Bandera

Daniel, Kathryn 2 beses nang absent sa kasal ng mga kaibigan, may issue nga ba?

Reggee Bonoan |June 13,2022
facebook
share this

Daniel, Kathryn 2 beses nang absent sa kasal ng mga kaibigan, may issue nga ba?

Reggee Bonoan - June 13, 2022 - 11:16 AM

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla; Aerial Garcia at  Patrick Sugui; Bianca Yanga at Joe Vargas

SADYA ba talagang hindi dumadalo  sa kasal ng kanilang mga kaibigan sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo?

Sa ikalawang pagkakataon ay absent ang KathNiel sa kasal ng BFF nilang si Joe Vargas o Joe Black sa longtime girlfriend nitong si Bianca Yanga na ginanap kamakailan lamang.

Matatandaang hindi rin sumipot ang magkasintahang DJ at Kath sa kasal ng kaibigan nilang si Patrick Sugui sa content creator na si Aerial Garcia noong Abril 20, 2022.

Ang rason ng KathNiel nang hindi sila nakadalo sa pag-iisang dibdib nina Patrick at Aerial ay dahil hindi sila pinayagang umalis sa taping ng TV series nilang “2 Good 2 Be True” na nagsimulang umere noong Mayo.

Going back sa wedding nina Joe at Bianca, kaya raw hindi nakapunta ang KathNiel ay nagkasakit si DJ base sa kuwento ni Ogie Diaz sa “Showbiz Update” vlog nila ni Mama Loi kasama sina Tita Jegs at Dyosa Pockoh na in-upload nitong Linggo, Hunyo 12.

Tanong nga ni Mama Loi kay Ogie, “Napansin ng netizens na hindi na naman sila um-attend. Galit-galit ba sila ‘Nay?”

Birong sagot ng talent manager-vlogger, “Parang ikaw yata ang galit, Loi?”

“Pero actually maraming nakakarating sa amin at may mga nagdi-DM (direct message) at nagpi-PM (private message) sa akin kung puwede ko raw tuklasin kung bakit hindi naka-attend ang KathNiel sa kasal ni Patrick Sugui noon at sa kasal ngayon ng kanila ring friend na si Joe Black.

“Kaya ako mismo nag-research, nagtanong kay Patrick Sugui at ang sagot niya, ‘that time po naka-lock in taping ang KathNiel. Pupunta po sana pero naka-lock in sila.’ So, maiintindihan natin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)


“Yung kay Joe Black naman ang sabi niya (Joe), ‘Ma, may sakit po si DJ that time kaya hindi po nakarating.’ Hayan maliwanag na po, ah.

“At kung mapapansin mo, nag-post si DJ ng litrato niya kasama si Patrick Sugui at si Joe Black

“Siguro isang patotoo ito na noon pa magkaibigan na sila at hindi dapat hinahaluan ng pang-iintriga,” paliwanag ni Ogie.

Sambit pa nito na porke’t hindi nakarating sa kasal na importanteng araw sa dalawang taong nagmamahalan ay may issue na agad.

“Hindi naman passport ‘yung hindi pag-a-attend para isipin natin na hindi na sila magkaibigan. Siguro may mga times din talaga na nasasagasaan o overlapping mga schedules,” say pa ng talent manager.

Punto naman ni Dyosa, “E, teka muna tito Ogie. Di ba, sa invitation malayo palang ay nakalagay na ang date ng kasal, e, ngayon bakit hindi nila nagawan ng paraan? E, di ba nga sa kasabihan kapag gusto maraming paraan, kapag ayaw maraming dahilan.”

“Naku Dyosa ‘wag ka na makialam diyan baka madamay pa tayo,” hirit naman ni Tita Jegs.

https://bandera.inquirer.net/100420/sarah-sa-kathniel-mabait-sila-sa-akin-wala-silang-yabang

https://bandera.inquirer.net/315641/pbb-ex-housemate-joe-vargas-ikinasal-na-kay-bianca-yanga

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/312801/maja-salvador-black-is-out-pink-is-in

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending