Producer-director na si Shandii Bacolod pumanaw na | Bandera

Producer-director na si Shandii Bacolod pumanaw na

Reggee Bonoan |June 11,2022
facebook
share this

Producer-director na si Shandii Bacolod pumanaw na

Reggee Bonoan - June 11, 2022 - 10:12 AM

Producer-director na si Shandii Bacolod pumanaw na

BIYERNES ng madaling araw noong nabasa namin na pumanaw na ang producer/director na si Shandii Bacolod sa Bangkok, Thailand kung saan may taping ng alagang si Nico Locco para sa isang popular TV show doon.

Atake sa puso ang ikinasawi ni Shandii base sa mga nabasa naming sagot ng kaibigan niyang si Sean Lim sa mga nagtatanong sa Facebook post niya, “He died today, heart attack in Bangkok.

Si Shandii ang direktor at producer ng “Love at the End of the World” na kasalukuyang napapanood ngayon sa Vivamax na pinagbibidahan nina Nico, Yam Mercado, Kristof Garcia, Khalid Ruiz, Gold Aceron, Markki Stroem at marami pang iba.

Siya rin ang producer ng pelikulang “Culion” na kasama sa 2019 Metro Manila Film Festival kung saan nanalo ng Special Jury Prize nominado naman si Meryll Soriano sa pagka-Best Supporting Actress.

Marami pang ibang pelikulang nagawa si Shandii kaya maraming kasamahan sa showbiz industry ang nagluluksa.

Samantala, pinost ni Sean ang mga larawang magkasama sila ni Shandii at iba pang mga kaibigan.

Ang caption, “Rest in Peace my best friend Mark Shandii Bacolod. Maraming salamat sa lahat ng masasayang alaala… lagi tayo nagsama this past few months and you’re always there pag kelangan kita… and I’m always there for you alam mo ‘yan.. ‘yung ginagawa natin project ipapangako ko na matutuloy ‘yan dahil marami kang naitulong sakin dun.. sobrang bigat at di ko parin matanggap na hndi na tayo magkikita sa Sabado.

“Sobrang iyak ko ngayon dahil hindi na kita makakasama ulit… last usap natin kahapon… sabi mo GoGoGo! Ikaw naman ang nag go… sorry ambigat lang di ko kinakaya.. Lord, I pray na sana nasa mabuting lugar na si Shandii.. you will be missed sobra shands… alam mo ikaw lang talaga pinagkakatiwalaan ko sa mga shoot kaya kinukha kita for RP kaso may conflict lang.. di lang talaga ako makapaniwala pa.. i love Shands.. rest ka na.”

Earlier this year ay nagkaroon ng mild stroke si Shandii at ilang araw din siyang na-confine sa hospital.

Duda ng mga kaibigan niya ay overfatigue kasi nga workaholic.

At sa pagpunta nila ni Nico sa Bangkok for a shoot ay hindi siya nagsama ng personal assistant kaya all around siya base na rin sa mga post niya sa kanyang FB account kung ano ang itinerary nila roon.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Shandii Bacolod (@kween.shandii)

 

Nitong June 6 sila lumipad ni Nico patungong Thailand.

“Ngayon lang ako ako ulit nakapag-Travel (international) simula ng tinamaan tayo ng Pandemya.

“Mabilis at maayos naman ang sitwasyon sa NAIA Terminal 2. Eh yung muntik hindi makasakay ng eroplano si Nico Locco kase may kulang sa papers niya. Grabe ‘yung timing, nu’ng finally pinayagan na s’ya um-exit ng Pilipinas, boarding na ‘yung flight namin. Hagardo Versoza!

“Super bilis at smooth sa Thailand airport tapos biglang nawala ‘yung isang luggage namin. Panic moments. Haha.

“Since 6AM today, wala na akong ginawa kundi mag travel – grab car from hotel to NAIA, tapos eroplano from Manila to Bangkok, tapos Volkswagen service from airport to JKN office for briefing and Studio Tour, tapos papuntang grocery tapos attack sa isa pang office tapos finally sa Artist Guest House.

“Nakapag-online din sa wakas. Wala pa akong tulog simula kagabi at halos wala pang kain today. Hindi na kinakaya ng powers ko. Parang naka-tatlong oras na kaming nasa daan dito sa Bangkok.

“Tapos nakuha ko na ang Schedule ni Nico from June 7 – 16. Wasakan. Araw-araw may shoot.

“Staying for only a few days. Trabahong Talent Manager. Buhay Talent Manager.Tapos iwan ko na siya, malaki na siya, kaya niya na sarili niya. LOL.Ang lakas ng ulan ngayon.Hello, Thailand. Salamat.”

May pinost din ang director/producer na kumain siya ng manggang hilaw na ang sawsawan ay bagoong alamang na ang caption ay, “LORD HAVE MERCY SA SARAP!”

Madugo ang ikalawang araw (June 7) nina Shandii at Nico sa Thailand at ito na rin ang huling post niya dahil nakatakda na sana siyang bumalik ng Pilipinas sa Sabado.

Narito ang official statement na inilabas ni Irisk Apple, isa sa mga miyembro ng pamilya ng namayapang producer/director.

“”We are very saddened to inform you of the loss of our beloved Mark Shandii Bacolod who passed away peacefully last June 9, 2022. He was in Thailand for work at that time. Our family is in the process of bringing his remains back to the Philippines so we can finally lay his body to rest. We would like to request everyone to respect our family’s decision for privacy in this moment of grief.”

Sa mga naulila ni Shandii ay nakikiramay kami.

Related Chika:
Nico Bolzico never nagselos sa pakikipaghalikan ni Solenn Heussaff sa iba’t ibang lalaki

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Allan K nagka-girlfriend noon sa Bacolod: What if kung totoo ngang may anak ako, ‘di ba?

Lovelife hugot ni Paolo: Pag nagmahal ka itodo mo na, hindi mo alam kung kailan ka mawawala sa mundo

Heart sinabihang magpa-IVF na para magkaanak kay Chiz; Kim nagliwaliw sa Thailand

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending