Maymay Entrata araw-araw napo-fall sa non-showbiz BF: Ganito pala yung feeling na ako ‘yung priority!
MATINDING lungkot at sakit ang naramdaman ng Kapamilya actress-singer na si Maymay Entrata nang mapalayo sa piling ng kanyang non-showbiz boyfriend.
Happy naman daw ang dalaga sa pag-uwi niya sa Pilipinas ngunit ibang level raw talaga ang lungkot na na-feel niya noong mapalayo muli sa kanyang dyowa na nasa Canada.
Ilang buwan din kasing nanirahan sa Canada ang aktres para mag-aral (may kinalaman din sa showbiz ang kanyang kurso) kung saan nakasama rin niya ang karelasyon na kilala lang sa pangalang “Aaron” na isang foreigner.
“Alam mo yung mas masakit kasi alam mong inalagaan ka nang maayos, inalagaan ang puso mo. Tapos, yung alam mong pinapahalagahan ka talaga niya.
“Kaya du’n ako masyadong nasaktan kasi nag-depend na ako sa kanya — yung feeling mo na secured ka,” pahayag ng “Pinoy Big Brother” big winner sa panayam ng Star Magic Inside News.
Inamin din ng dalaga na sobrang maalaga ang kanyang boyfriend at super mature na rin ang mga pananaw sa buhay kaya naman talagang hulog na hulog na siya rito.
“Kapag consistent ‘yung nagmamahal sa’yo araw-araw kang mapo-fall, hindi lang sa umpisa, araw-araw talaga. Ganito pala yung feeling na ako ‘yung priority,” ang hugot pa ng aktres.
Kuwento pa ni Maymay, bago ang pagkikita nila sa Canada, lagi naman daw silang magka-video call, “Lagi kaming nagko-communicate. Lagi kaming nagbi-video call.
View this post on Instagram
“Isa sa pinakamahirap kasi yung i-explain mo nang detalyado kung ano yung nangyayari araw-araw,” aniya pa.
Ibinahagi rin ni Maymay na nu-una ay hindi talaga siya masyadong expressive sa kanyang nararamdaman pero unti-unti ay nakapag-adjust na rin siya sa kanyang pakikipagrelasyon.
“Pumasok ka sa relationship, dapat committed ka. Responsibility natin yung pagiging committed sa partner natin,” sabi ni Maymay.
Sa isang hiwalay na interview, tinawag ng dalaga na isa sa mga biggest blessing ang pagdating sa buhay niya ni Aaron.
Aniya, halos lahat ng qualities na ipinagdasal niya noon sa Diyos para sa isang karelasyon ay ibinigay nga sa kanya.
Samantala, natapos na nga ni Maymay ang unang semester ng pag-aaral niya sa Canada at may tatlo pang semester ang kailangan niyang tapusin bago siya mag-graduate.
https://bandera.inquirer.net/292000/kahit-anong-gawin-mo-na-maging-mabait-at-perpekto-lagi-silang-may-sasabihing-mali
https://bandera.inquirer.net/315020/maymay-entrata-balik-pilipinas-na-matapos-mag-aral-sa-canada-its-good-to-be-back
https://bandera.inquirer.net/305620/maymay-may-pa-dyowa-reveal-sa-mismong-valentines-day-happy-birthday-my-valentino
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.