Dimples shookt sa surprise baby shower party nina Angel at Bea: Yung look mo para sa shoot pero…

Dimples shookt sa surprise baby shower party nina Angel at Bea: Yung look mo para sa shoot pero...

SUPER happy ang celebrity mom na si Dimples Romana sa ginawang surprise baby shower na inihanda ng kanyang mga kaibigan na sina Angel Locsin at Bea Alonzo.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang larawan nilang magkakasamang tao kalakip ang kanyang appreciation message sa dalawa.

“These two @therealangellocsin @beaalonzo. How did I become this blessed to have the most amazing friends/sisters in this lifetime… Mahal na mahal ko kayong dalawa,” saad ni Dimples.

 

 

Makikita rin sa kanyang Instagram stories ang iba pang mga celebrities at personalidad na dumalo sa kanyang surprise baby shower gaya ng nina Kim Molina, Jerald Napoles, Ahron Villena, Janus del Prado, asawa ni Angel na si Neil Arce, dyowa ni Bea na si Dominic Roque, at si Tita Cory Vidanes.

Ang buong pag-aakala ni Dimples ay magkakaroon siya ng shoot ngunit pagdating niya ay isa pa lang baby shower ang maabutan niya.

“Yung look mo for a shoot pero baby shower pala ang mangyayari,” caption niya sa kanyang Instagram story.

Labis naman ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga taong naglaan ng oras para maging bahagi ng hindi niya malilimutang event sa buhay niya.

“To everyone who made time to be part of thr baby shower surprise and made tonight one of the most memorable nights of our family’s life, SALAMAT. To those who weren’t able to make it but were also on the surprise, THANK YOU! I love you all so so much,” sey ni Dimples.

Matatandaang noong Marso 2022 ay ibinahagi ni Dimples na lalaki ang magiging anak nila at tatawagin nila ito bilang si Baby Elio.

Aminado si Dimples na late na rin niyang nalaman na nagdadalangtao siya kaya late na rin niyang naibalita sa madlang pipol ang bagong anghel na paparating sa kanilang pamilya.

Related Chika:
‘Shower’ video ni Derek na ipinost ni Ellen sa socmed inalmahan ng ilang netizens

href=”https://bandera.inquirer.net/288660/bea-dominic-magkasamang-um-attend-sa-pa-baby-shower-ni-beth-tamayo-sa-us”>Bea, Dominic magkasamang um-attend sa pa-baby shower ni Beth Tamayo sa US

Belle Mariano may pa-birthday surprise kay Donny Pangilinan

Vice Ganda na-prank, na-stress dahil kay Ion Perez: Takaw aksidente kasi ‘yan!

Read more...