PURING-PURI ng executive ng BBC ang Philippine adaptation ng “The Broken Marriage Vow” mula sa original series nilang “Doctor Foster”.
Habang pinanonood namin ang exciting part trailer ng “TBMV” sa ginanap na mediacon nitong Lunes sa Studio 2 ng ABS-CBN main building ay nagpa-flash naman sa screen ang papuri ng nasabing ehekutibong si André Renaud, SVP Format Sales for BBC Studios.
“It’s been a pleasure to see the development of Drama Republic’s Doctor Foster from Mike Bartlett’s brilliant original concept into the exciting story of The Broken Marriage Vow that ABS-CBN Entertainment has brought to the Filipino audience,” aniya.
Pinuri ni Renaud ang direktor na si Concepcion “Connie” Macatuno, “This series has shown that we can watch a story become unique all over again when given a local setting and connecting into the lives of a new audience.”
Dagdag pa, “’The Broken Marriage Vow’ has set out to do this from Deo Endrinal and director Connie Macatuno’s original vision and commitment to celebrating local artists, designers, and craftworkers, ensuring that Dr. Jill’s story reflects back to viewers their everyday while taking them away from it at the same time.
“I send my best wishes to the entire cast, effortlessly led by Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo, and Sue Ramirez, the crew, the writers, producers, and the executives at ABS-CBN, Mr. Carlo Katigbak, Mrs. Cory Vidanes, Lauren Dyogi, and countless others for their support on this project from the beginning,” aniya pa.
Nagpasalamat din ang cast and directors ng serye sa mga sumusubaybay sa programa at aabangan ang exciting at ending part nito for the last three weeks.
“Maraming-maraming salamat sa panahon at emosyon na in-invest niyo sa show kasi alam ko na lahat kayo nakakonekta at dahil doon sobra kaming grateful. Magkita pa rin tayo hanggang sa dulo,” saad ni direk Connie.
Mula naman kay Jane Oineza, “Thank you for loving each of the characters din, sa lahat ng mga naka-relate sa bawat character, sa mga nagmahal, sa mga nagalit, sa mga nanggigil, sa lahat po ng sumuporta sa The Broken Marriage Vow. Thank you for this opportunity na mapabilang sa napakagrabeng nakakalula na cast.”
Sabi naman ni Sue Ramirez, “Gusto ko hong mag-thank you kasi sinamahan niyo kami simula at heto na nga po last three weeks na lang po namin and habang tumatagal, ang dami-dami nating natututunan, as a fan of the show myself na gabi-gabi rin akong nanoood at nakatutok kasama po ninyo.
“Ang dami-dami nating napulot na aral, ang dami-dami nating natutunan sa show na ‘to na sana kahit magtapos na ‘yung show, dalhin natin at i-apply natin sa mga sarili natin,” aniya pa.
Gayun din si Ketchup Eusebio, “Kung akala niyo po nakita niyo na ‘yung mga highlights, marami pa po kayong hindi naaabot na mga eksena na talagang magpapakulo pa lalo ng mga dugo ninyo. Abangan niyo po ito sa mga nalalabing araw.”
Sabi naman ni Zanjoe Marudo, “Maraming salamat dahil hindi niyo kami binigo simula nung umpisa hanggang ngayon. Huwag po kayong mag-alala dahil hindi rin po namin kayo bibiguin sa huling tatlong linggo namin.”
At kay Jodi Sta. Maria, “Siguro hindi po talaga enough ‘yung pagpapasalamat na binibigay namin sa inyo sa lahat ng suporta na ibinigay niyo po sa amin, sa lahat ng appreciation na ibinigay niyo po para sa ‘The Broken Marriage Vow.
“I hope na, in a way, may na-impart po ‘yung show sa mga buhay ninyo at ma-assess po ninyo ‘yung mga estado ng mga relationship ninyo, ‘yung paraan ng pakikipagkapwa niyo,” aniya pa.
Abangan ang “TBMV” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z Channel 11, TV5, iWantTFC at Viu.
https://bandera.inquirer.net/305184/jodi-na-broken-marriage-vow-din-sa-tunay-na-buhay-isa-yun-talaga-sa-pinaka-painful
https://bandera.inquirer.net/315306/jodi-sa-pagtatapos-ng-broken-marriage-vow-sabi-ko-after-this-ayoko-na-feeling-ko-wala-na-eh-nasagad-talaga
https://bandera.inquirer.net/300459/sharon-puring-puri-si-julia-montes-siya-ang-nakita-kong-pinakapareho-ko-sa-tunay-na-buhay