Nanay ni Angelika dela Cruz sa natanggap na death threat ng pamilya: So scary! We are not safe anymore in Malabon!

Angelika dela Cruz

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA kahapon tungkol sa natanggap na death threat na may kasamang apat na bala ang pamilya ng aktres na si Angelika dela Cruz.

Ipinost ni Angelika ang tungkol dito sa kanyang Facebook account kahapon, Martes kalakip ang litato ng natanggap na mga bala ng baril.

Kasalukuyang nasa ibang bansa ang barangay chairwoman ng Longos, Malabon City na si Angelika kaya labis-labis siyang nag-aalala kahapon nang matanggap ng pamilya niya ang pagbabanta sa kanilang pamilya.

Nakausap namin ang mommy Angelica Egger ng aktres-politiko at sobra rin siyang nag-aalala para sa mga anak niya.

“Sunny and my son Erick got death threats,” bungad ni Mommy Angelica.

“So scary! We are not safe anymore in Malabon. Just a week ago, Sunny’s friend Kap Pilo (Felimon Villanueva) from Tonsuya got killed in front of his house.

“The same people are now out for my children. We have 24 hours’ security in front of the house but that’s not enough.


“We have CCTV inside and outside of the house. Shine is in Bangkok (Thailand) right now,  she was invited by Congresswoman Jay Lacson. She’ll be back in 2 days,” pahayag ng nag-aalalang ina ng magkakapatid na Angelika, Erick at Mika.

Nakita rin namin ang mga post ng aktres-politiko sa kanyang social media account kasa si Hon.  Josephine Veronique R. Lacson-Noel, District Representative ng Malabon City.

Nai-report na raw ang natanggap nilang death threat sa mga kinauukulan at hinihintay din nila ang pagdating ni Angelika.

Tinanong namin kung may suspetsa na sila kung sino ang nasa likod ng pananakot na ito.

“About the death threats, we have our suspicion,” sambit ni Mommy Angelika.

Dagdag pa niya, “I’ll just wait until Sunny is back.”

https://bandera.inquirer.net/315361/angelika-dela-cruz-nakatanggap-ng-4-na-bala-ng-baril-at-death-threat-napakadumi-po-talaga-ng-politika-sa-ating-bansa

https://bandera.inquirer.net/291460/janus-del-prado-nakatanggap-ng-death-threat-malapit-ka-nang-matokhang
https://bandera.inquirer.net/312754/alfred-pm-vargas-hindi-nagpasindak-sa-death-threat-tuloy-ang-laban-sa-halalan

Read more...