Hirit ni Mark kay Kris: Alam mo, dapat maging nanay ka na para hindi ka na maging magastos...puro ka bag! | Bandera

Hirit ni Mark kay Kris: Alam mo, dapat maging nanay ka na para hindi ka na maging magastos…puro ka bag!

Ervin Santiago |June 06,2022
facebook
share this

Hirit ni Mark kay Kris: Alam mo, dapat maging nanay ka na para hindi ka na maging magastos…puro ka bag!

Ervin Santiago - June 06, 2022 - 08:03 AM

Benjamin Alves, Rhian Ramos, Kris Bernal at Mark Herras

PANG-BEST actress ang ipinakitang akting ni Kris Bernal sa katatapos lang na Kapuso afternoon series na “Artikulo 247” kung saan gumanap siya bilang bida-kontrabida.

Sa kanyang Instagram account, nagbahagi ang actress-entrepreneur ng kanyang saloobin sa pagtatapos ng kanilang programa kung saan nakasama niya sina Rhian Ramos, Benjamin Alves at Mark Herras.

Ipinost ni Kris ang litrato niya na kuha sa kanilang lock-in taping at isinulat ang caption na, Today is the finale episode of #Artikulo247. Time flies.

“This was my longest lock-in taping, and it felt more like a workcation because, despite the challenges in tapings, I had developed genuine relationships.

“Thank you to the entire show’s crew, whose ethics, discipline, and commitment are unquestionable. You have provided me with a wealth of memories and lessons to relive. Heartfelt congratulations, team #Artikulo247 and I wish everyone bigger and better things ahead!

“Thank you, GMA Network, for once again recognizing my skills and abilities by offering me this role,” pahayag ni Kris.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal)


Nauna rito, naglabas ng vlog ang asawa ng chef-businessman na si Perry Choi para ipakilala at pasalamatan ang buong production ng “Artikulo 247”, kabilang na ang kanyang acting coach, make-up artist, stylist, mga taga-art department, at ang mga co-stars niya.

Ayon kay Kris, sepanx (separation anxiety) is real nang matapos na ang lock-in taping nila para sa “Artikulo 247″.

“Na-miss ko na yung maraming tao. Maraming kausap. Different people, different stories, different personalities,” sey ni Kris.

Kasunod nito, bigla namang humirit ang leading man niya sa serye na si Mark Herras na bumuo na ng  pamilya dahil aniya, napakasarap daw maging magulang.

“Alam mo, dapat maging nanay ka na para hindi ka na maging magastos. Puro ka bag, it’s about time na magkaroon ka naman ng family na sarili mo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Feeling ko, talagang iikot ang mundo mo du’n sa anak mo kasi ganu’n yung nangyari sa akin.Talagang lahat ng ginagawa ko is for Corky and Ico,” sabi ni Mark kay Kris na ang tinutukoy ay ang mag-ina niyang sina Nicole Dionesa at Baby Corky.

Kris sobrang na-intimidate kay Rhian: Kahit gaano ko ka-memorize ang linya ko nawawala ako, ganoon kalala!

Rhian super mumog ng mouthwash bago makipaglaplapan; tinotoo ang ‘fight scenes’ nila ni Kris

Kris tumodo ng kissing scene sa ‘Artikulo 247’: Mas marami pa yung halikan ko rito kesa sa asawa ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending