Wilbert Ross sinabing importante ang sex education: Lalo na medyo mataas ang ating teenage pregnancy

Wilbert Ross sinabing importante ang sex education: Lalo na medyo mataas ang ating teenage pregnancy
TUNGKOL sa high school life ang kuwento ng “High on Sex” series na mapapanood na bukas, Hunyo 5 sa Vivamax na idinirek ni GB Sampedro produced ng Five 2 Seven Entertainment Production at Viva Films.

Ang limang bidang estudyante ay sina Wilbert Ross, Angela Morena, Migs Almendras, Kat Dovey at Denise Esteban ay aminadong naka-relate sila sa series kaya tinanong sila kung ano ‘yung pagkaka-pareho sa karakter nila.

Si Angela ay hindi raw naka-relate sa buong kuwento kundi doon lang sa eksenang ginawa ng karakter niya bilang Mavic.

“Niloko kasi siya at I’m sure pati viewers makaka-relate and talking about high school na-miss ko ‘yung pagiging estudyante although hindi talaga ako nagtagal sa high school hanggang second year lang ako at meron doong moment na na-miss ko na babalikang memories about friendship, family, pero about lovelife, sex wala akong mare-relate ro’n,”kuwento ng sexy star ng Vivamax.

“Ako naman po relate do’n sa struggling ng isang teenager na high school student. Siyempre pag high school ka meron kang mga init sa katawan kung baga. So ‘yun ‘yung mga hindi dapat malaman ng parents na super discreet. Tapos ‘yung mismong karakter ko na mapagmahal sa mga tao sa paligid niya,” kuwento ni Wilbert.

Ayon naman kay Denise, “naka-relate ako sa bullying kasi na-experience ko ‘yun nu’ng nag-aaral pa ako. When it comes to experience sa sex wala po akong masi- share, siguro mga patagong crush na pinagdaanan nating lahat.”

“Ako po kasi nu’ng high school academic focus po ako, so, wala po akong maraming naughty experience although kay Carla herself (karakter) naka-relate ako kung gaano siya kalakas at strong magmahal and I guess feeling naughty and proud that’s something you can see go through na something I experienced through my life also,” say ni Kat.

Mula kay Migs, “ako naman nakaka-relate sa buong premise ng series na ito kasi it follows up all to sexual awakening ng limang major characters na ‘to. Palagay ko high school ‘yun ‘yung (taong) talagang nagsisimula, eh, ‘yung pag-usbong ng damdamin and I think ‘yung manonood ay may mapupulot at makaka-relate talaga.”

Tama bang ituro ang sex education sa eskuwelahan.

Para kay Migs, “I think ang isa sa objective ng series na ito, e, sex in general kasi being in a conservative country hindi masyadong napag=uusapan na parang meron tayong masamang konotasyon kapag nagsalita ng sex and isa siguro sa gustong ipakita ni direk (GB) dito is to normalize the conversation that evolves around sex itself, so, ‘yun ang masasabi ko tungkol sa sex education.”

Pabor naman si Kat na ituro ito sa mga batang estudyante habang maaga, “yes tama lahat ng sinabi ni Migs na sex education in school I’m all for it and I think it’s for everyone properly educated para mas mapo-protect ang sarili natin and we’ll be able to do the right things and protect our partners as well.”

 

 

“Tama napakaganda ng mga sagot nilang dalawa (Migs at Kat) copy paste po, “nakangiting sambit ni Denise.

“Sex education is very important talaga lalo na sa Pilipinas lalo na medyo mataas ang ating teenage pregnancy and ito naririnig ko sa mga parents na parang, ‘ano ba ‘yung mga shows n’yo baka ma-engganyong gawin ng mga bata.’ E, di ba ‘yan ang laging sinasabi kaya nga may tinatawag na parental guidance sa Vivamax. Anyway, siguro doon tayo sa safer way para maiwasan ang pregnancy kaya pigilan natin ng pigilan,” opinyon naman ni Wilbert.

At si Angela, “well High on Sex ay parang peg na rin ng sex education. For me ang sex education ay eye opener I think sa Pilipinas lang nagiging bastos at nagiging big deal ‘yung sex kaya maganda rin na nagpo-produce ang Vivamax ng ganito kaysa naman ‘yung mga kabataan nanonood ng porn ng patagobert , kaya dapat talaga may sex education para malaman kasi sa high school nga nag-start dahil nagkakaroon ng curiousity ‘yung mga bata.”

Dagdag naman ni direk GB ay dapat may guidance kapag itinuturo ang sex education, “para naaaalalayan natin sila (mga kabataan) kung ano ang tama at mali.”

Base trailer ng High on Sex ay high na high talaga ang mga kabataan dahil sa maraming bagay silang gustong malaman at sabi nga ng mga bida ay relatable ang kuwento ng series na ito.

Related Chika:
Hashtag Wilbert Ross game na game sa sex scenes pero hindi pa kayang magpakita ng ‘pototoy’

Ex-Hashtag member Wilbert Ross todo depensa kay AJ Raval: Stay strong lang!

Wilbert Ross aminadong ‘late bloomer’ sa sex: 19 years old ako, doon ko na-explore ang ganda ng mundo

Read more...