Miss World Philippines 2022 ibinandera ang Top 10 finalists sa top model competition

Miss World Philippines 2022 ibinandera ang Top 10 finalists sa top model competition

PINANGALANAN na ng Miss World Philippines 2022 ang kanilang Top 10 finallists para sa top model competition ngayong Biyernes, June 3.

Sa Instagram account ng natutang organisasyon ay ibinahagi nila ang mga larawan ng mga finalists.

Narito ang mga naggagandahang dilag na bahagi ng finalists ng top model challenge:

Ang magwawagi sa naturang top model competition ay papangalanan sa coronation night bukas, June 5.

Ang magiging batayan ng pagpili ay ang modeling skills (50%), beauty (25%), at elegance and sophistication (25%).

At dahil nga ang top model competition ay usa sa mga fast-track events ay automatic nang magiging bahagi ng top 16 ang mananalo sa naturang kompetisyon.

Samantala, noong May 26 naman ay ibinandera na ng Miss World Philippines organization kung sino ang Top 11 finalists para sa national costume competition habang ang top 10 naman para sa “Beauty With A Purpose” challenge ay inanunsyo na noong May 29.

Si Tracy Maureen Perez naman ang magkokorona sa tatanghaling panalo sa Miss World Philippines 2022 coronation night bukas na gaganapin sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Tatlumpu’t anim na mga kandidata ang kasalukuyang naglalaban laban para maiuwi ang apat na titulo na Miss World Philippines, Miss Supranational Philippines, Miss Eco Philippines, at Reina Hispanoamericana Filipinas.

Related Chika:
Maureen Wroblewitz sa pagsali sa Miss Universe PH: Not so sure yet, but…

2021 Miss World PH Tracy Perez umaming nawalan ng tiwala sa sarili; bitbit ang payo ni Megan Young

Miss World PH candidates kanya-kanyang awrahan sa fast-track challenge; Top 10 sa ‘Beauty with a Purpose’ ibinandera na

Read more...