Katarina Rodriguez, Laura Lehmann, Valerie Weigmann napiling mga hosts ng Miss World Philippines 2022

Katarina Rodriguez, Laura Lehmann, Valerie Weigmann napiling mga hosts ng Miss World Philippines 2022
SINA Katarina Rodriguez, Laura Lehmann, at Valerie Weighmann ang magiging mga hosts ng coronation night ng Miss World Philippines 2022 na gaganapin sa Mall of Asia Arena ngayong Linggo, June 5.

Ang tatlong naggagandahang dilag ay ang mga naging title holders ng Miss World Philippines na siyang naging representatives ng bansa.

Matatandaang si Valerie ang nagwagi bilang Midd World Philippines 2014, si Laura naman ay nagwagi noong 2017 samantalang si Katarina naman ang nagwagi noong 2018.

 

 

“Three Exceptionally Empowered Filipinad who already conquered the world,” paglalarawan ng Miss World Philippines organizations sa magiging mga hosts ngayong coronation night.

Talaga namang kaabang-abang ang mangyayari sa naturang pageant lalo na st palapit na ng palapit ang coronation night.

Samantala, nag-anunsyo na ang organisasyon finalists ng National Costume, Beauty with a Purpose, at Top Model competitions.

Tatlumpu’t anim na mga kandidata ang kasalukuyang naglalaban laban para maiuwi ang apat na titulo na Miss World Philippines, Miss Supranational Philippines, Miss Eco Philippines, at Reina Hispanoamericana Filipinas.

Related Chika:
Katarina Rodriguez inalala ang paghagupit ng bagyong Odette sa Siargao: Ito ang pinakamasakit na naranasan ko…

Katarina Rodriguez umapela sa publiko: Wag namang mag-donate ng maruming damit at underwear

Read more...