Herlene Budol, Joseph Marco magtatambal para pakiligin ang mga netizens | Bandera

Herlene Budol, Joseph Marco magtatambal para pakiligin ang mga netizens

Therese Arceo |June 04,2022
facebook
share this

Herlene Budol, Joseph Marco magtatambal para pakiligin ang mga netizens

Therese Arceo - June 04, 2022 - 12:31 PM

Herlene Budol, Joseph Marco magtatambal para pakiligin ang mga netizens

READY na sina Herlene Budol at Joseph Marco para pakiligin ang madlang pipol sa kanilang pagsasama sa “Ang Babae Sa Likod Ng Face Mask” digital series na mapapanood simula June 11 sa YouTube.

Si Joseph Marco na nga ang pumalit kay Kit Thompson na nanang naging katambal ng dalaga sa naturang series.

“Napaka-exciting na opportunity na ito na ibinigay sa akin. Gusto ko ipakita sa lahat ng followers at Hiponatic supporters ang kakayahan ko bilang isang leading lady,” saad ni Herlene.

Aniya, swerte raw siya na makasama ang aktor sa isang proyekto at sobrang happy siya nang malamang ito ang kanyang magiging leading man.

“Sobrang lucky ako na kasama ko si Joseph Marco para sa show na ito. Siyempre, you always want to work with the best, kaya ang saya ko talaga noong nalaman ko na si Joseph Marco ang leading man ko,” pagpapatuloy pa ni Herlene.

Happy rin naman si Joseph na makasama ang dalaga sa digital series.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joseph Marco (@josephcmarco)

 

“It’s been an absolute joy working with Herlene, and I think the viewers will be able to feel how much fun we had working together through the screen,” sey ng aktor.

Makakasama rin ng dalawa sa proyekto sina Kiray Celis, VJ Mendoza, Hasna Cabral, Mickey Ferriols, at Fe Saligumba.

Iikot naman ang istory sa kwento ng 25-anyos ns si Malta (Herlene) na nagtatrabaho bilang kahera para matustusan at masuportahan ang kanyang inang si Madam Baby.

Matatagpuan ni Malta ang poging binata na si Sieg (Joseph) na talaga namang malas sa pag-ibig.

Tila mala-love at first sight ang binata sa angking ganda ni Malta na naka-face mask.

“Ang classic ng kuwento. Nakakakilig, nakakatawa, lahat ng gusto mo sa isang series, meron kami rito!” pahabol na kwento pa ni Herlene.

Related Chika:
Herlene Budol bidang-bida na sa ‘Ang Babae sa Likod ng Face Mask’; Kit Thompson naluha sa presscon

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Joseph Marco hubo’t hubad sa 33rd b-day; 2 music video ni Jayda pasok sa Int’l Film Festival Manhattan 2021

Herlene Budol binabatikos ng mga netizens: I love the duality!

Herlene Budol hindi kumita sa mga naunang vlogs: Nakakalungkot lang isipin kasi kahit kani-kanino ako nagtiwala

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending