Arron Villaflor sa pagkatsugi sa ‘Ang Probinsyano’: Hindi ko nga po alam kung bakit bigla akong nawala
WALANG idea ang Kapamilya actor na si Arron Villaflor kung bakit bigla siyang nawala sa action series ng ABS-CBN na “FPJ’s Ang Probinsyano.”
Kuwento ng aktor, hindi niya alam ang dahilan kung ano ang nangyari at nawala na lang siya sa cast ng longest-running series ngayon ng Kapamilya Network.
Sa naganap na virtual mediacon para sa story conference ng Vivamax original series na “‘Wag Mong Agawin ang Akin” kamakalawa, May 24, nagkuwento si Arron hinggil sa nasabing isyu.
Ayon sa binata, na for the first time ay sasabak sa isang Vivamax project, ang “Probinsyano” ang huling seryeng ginawa niya, dalawang taon na ang nakararaan.
“Hindi ko nga alam kung bakit ako nawala sa Ang Probinsyano. That was my last series sa ABS-CBN so I waited for two years.
“Dalawang taon na rin po akong hindi nakakabalik sa series kaya I’m glad and thankful, may panibagong blessing.
View this post on Instagram
“Nagpapasalamat ako sa family ng Vivamax for acknowledging me and, somehow, putting me on their project.
“I’m excited but a little bit nervous. Gagawin natin kung ano yung hinihingi ng project,” pahayag ni Arron.
Nang itanong naman ang dahilan ng kanyang pagkawala sa “Ang Probinsyano”, inulit ni Arron ang sagot nito na hindi niya alam.
Pahayag pa ng binata, “Hindi naman ako humihingi ng reason, pero nagulat lang kami kung bakit kami nawala. I am being honest with you everyone. I love my job, mahal ko yung trabaho ko since I started 2004 and, until now, I’m still here.
“Siguro may mga bagay talaga na natatapos din. I guess, I’m very thankful din kasi we’ve been part of that program for a year,” aniya pa.
Ngunit kinorek ng co-star niya sa “‘Wag Mong Agawin ang Akin” na si Josef Elizalde na halos tatlong taon silang napanood sa “Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin.
“Ah, magti-three years, so happy na rin kami. But then again, sabi nga ng iba, if there’s an opportunity, why not? So there’s an opportunity dito sa Viva, bakit hindi? It’s work and again.
“Natutuwa ako dahil after two years, naibigay po sa akin itong ‘Wag Mong Agawin ang Akin at very glad din na halos lahat kilala ko, nakatrabaho ko na rin po.
“Excited, and if this will be a door for me, I’m not gonna hesitate to accept it,” pahayag pa niya.
Samantala, isa pa sa naitanong kay Arron ay kung mas magiging palaban na ba siya sa pagpapaseksi at paghuhubad sa bagong original series ng Vivamax.
“Wait for it na lang po. Can I say na I will surprise you?” ang sagot ng aktor na super excited na sa pagsabak sa una niyang Vivamax project.
Bukod kay Josef, makakasama rin ni Aaron sa “Wag Mong Agawin Ang Akin” ang Vivamax sexy bombshells na sina Angeli Khang, Jamila Obispo, Felix Roco, Yayo Aguila at Angelica Servante, sa direksyon ni Mac Alejandre
https://bandera.inquirer.net/283900/janella-nawala-ang-self-confidence-matapos-isilang-si-baby-jude-lalo-na-pag-humaharap-ako-sa-salamin
https://bandera.inquirer.net/289764/ellen-tsinugi-na-sa-comedy-show-ng-tv5-bigla-na-lang-daw-lumayas-sa-taping
https://bandera.inquirer.net/279890/diether-7-taon-nawala-sa-showbiz-naging-choosy-na-ba-sa-projects
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.