Angelica Panganiban pinasok na ang pagba-vlog, ikinuwento ang love story nila ni Gregg Homan


TULUYAN na ngang pinasok ng aktres at soon-to-be mommy na si Angelica Panganiban ang mundo ng pagba-vlog.

Kahapon, May 23, ay ipinalabas na niya ang kanyang first vlog kung saan kasama niya ang non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan at ama ng kanyang dinadala.

Muli ngang binalikan nila Angelica kung paano nagsimula ang kanilang relasyon habang sinasagot ang mga tanong sa kanila ng mga fans.

Pagkukwento ng aktres, dapat daw ay noong 2018 pa sila magkikita pero hindi ito natuloy dahil nasa ibang bansa ang non-showbiz dyowa.

Matapos ng dalawang taon ay nagkita na ang dalawa nang magkaroon ng taping ang teleserye ni Angelica na “Walang Hanggang Paalam” sa Subic, Zambales kung saan nakatira si Gregg.

“Si Cherry Pie [Picache] ‘yung may kakilala sa kanya and may kakilala sa’kin na nangungulit na, ‘Sige na, sige na. Game na. Mag-meet na kayong dalawa,’” saad ni Angelica.

Dagdag pa niya, “Nu’ng una, ayoko talaga. Kasi medyo, hindi naman jaded, kaya lang parang tamad na ako sa dating dating na ‘yan,” she added. “Parang hindi na ako interesado, masaya naman na akong single.”

Kalaunan ay pumayag na rin si Angelica at nakipag-date na kay Gregg. Dito na rin sila nagsimulang magpalitan ng texts.

Kwento pa nga ni Angelica, madalas raw ay may mga kasama siyang kaibigan sa tuwing makikipag-date siya.

“Nandiyan pa ‘yung mga friends na backup… Parang, ‘Dito lang kayo. Huwag nyo akong iwan sa kanya.’ Tumagal-tagal, napapansin ko nang nae-enjoy ko na kaming dalawa lang ‘yung magkausap,” masayang pag-alala ni Angge.

 

 

Dito na nga napagdesisyunan ng aktres na i-extend ang pananatili sa Subic para makasama si Gregg.

Nabanggit rin ni Gregg na napag-uusapan na nila ni Angelica ang pagbuo ng pamilya noong nagsisimula pa lang ang kanilang relasyon.

Pag-alala nito, bandang Christmas holidays pa noong 2020 nang magkausap sila ukol rito.

“Feeling ko doon ko naramdaman na worth it ang lahat kasi wala akong naramdamang takot nu’ng pinagusapan namin about building a family together,” sey pa ni Angelica.

Matatandaang nauna nang ipahayag ng aktres na ang priority na niya ngayon ay ang magiging anak nito bago ang kanyang muling pagbabalik sa showbiz dahil base na rin sa kanya, tatlong dekada na siya sa industriya at ang focus na niya ang anak at ang kaniyang magiging pamilya.

Related Chika:
B-day message ni Angelica sa BF: Araw-araw kitang aalagaan, patatawanin, bubusugin at mamahalin!

Angelica ibinandera ang lumolobong baby bump; super excited nang maging mommy

Angelica halos mabaliw nang malamang buntis: Natatakot ako! Kaya ko ba magpalaki ng bagets?

Lovelife hugot ni Angelica: Ayokong masakal at makulong dahil lang nagmahal ako

Read more...