Lovelife hugot ni Angelica: Ayokong masakal at makulong dahil lang nagmahal ako Bandera

Lovelife hugot ni Angelica: Ayokong masakal at makulong dahil lang nagmahal ako

Ervin Santiago |January 27,2022
share this

Lovelife hugot ni Angelica: Ayokong masakal at makulong dahil lang nagmahal ako

Ervin Santiago - January 27, 2022 - 07:29 AM

Gregg Homan at Angelica Panganiban

MUKHANG natagpuan na nga ni Angelica Panganiban ang “the one” at “forever” sa katauhan ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan.

In fairness, tahimik at walang intriga sa relasyon nila ngayon ni Gregg at napapanatili rin nila ang kapribaduhan ng kanilang pagsasama kaya naman nakakaiwas sila sa dumaraming Marties sa kapaligiran.

Sa isang interview, nabanggit ni Angelica na ang kaligayahan niya ngayon ay kakaiba sa naramdaman niya noon sa kanyang past relationships.

“May happiness siya from within, contentment tsaka may calm. Feeling ko yun ang importante sa lahat kumalma ako, and yun nga siguro ang magic e. Noong una kami nagkita, hindi siya exciting, walang ganu’n. 

“Calm yung naramdaman ko, parang okay ‘to ha, pwede pala ‘yun mararamdaman sa isang tao na gusto mo and hanggang nagyon na maintain yun hanggang ngayon,” paglalarawan ng Kapamilya actress sa relasyon nila ni Gregg.

Isa pa raw sa nagustuhan ni Angge sa boyfriend niya ngayon ay ang pagrespeto nito sa trabaho niya sa showbiz. Wala raw itong demands o pagbabawal sa mga ginagawa niya.

“Siguro nandoon yung klase ng respeto niya sa akin and ako rin sa kanya na kung ano ang trabaho ko, trabaho ko ‘to and kaya ko ‘to.

“Naniniwala siya sa akin doon na alam niya ang ginagawa niya na malinaw naman sa amin na from the start ng relationship kung ano ang work mo, work mo yan and kung ano rin ang sa akin sa akin ‘to, and nilinaw ko yun sabi ko ‘seloso ka ba?’ wag ha,” paliwanag ng dalaga.

Mariing pahayag pa ni Angge, “Ayokong masakal and makulong na malilimitahan yung gagawin ko, dahil lang nagmahal ako. Siyempre ang sarap nu’ng tanggap mo, and naiintindihan mo and proud ka.” 


Pero haggang ngayon daw ay hindi pa rin nasasanay si Gregg sa mga nababasa at nakikita niya sa social media, “Hindi pa rin hanggang ngayon. Lalo na siyempre hindi siya sanay sa mga bashing, di ba? Kahit na hindi na ako naaapektuhan siya yung nasasaktan.”

“So, yun ang mahirap siguro kasi pag nakita mo siyang affected, maapektuhan ako siyempre. Pero kailangan ko siyang tulungan pa at turuan din ng mga styles kung paanong hindi mo dapat pinapansin. 

“So in fairness naman sa kanya, hindi naman siya ma-social media na tao. So ako rin mayroon rin akong social awareness na wag ko na lang ‘to post kasi baka maapektuhan siya and unti unti na gets naman niya. 

“And sinasabi ko sa kanya and itong platform na ‘to pag hindi ko ginamit to sayang kasi ang dami puwede makinig lalo na kung tama naman ang sasabihin ko.

“Saka kaya ko ang sarili ko, ‘wag ka ma-bother. Kaya ko talaga. So pag ganun, binibigyan ko siya ng warning, titigil siya mag-social media,” paliwanag pa ng aktres.

Malapit nang mapapanood si Angelica sa upcoming Kapamilya series na “The Goodbye Girl” kasama sina Elisse Joson, Barbie Imperial, Maris Racal at Loisa Andalio. 

B-day message ni Angelica sa BF: Araw-araw kitang aalagaan, patatawanin, bubusugin at mamahalin!

Angelica nagsisi nang ayawan ang ‘Four Sisters And A Wedding’: Hindi ko pa rin siya pinapanood

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending