Winwyn Marquez engaged na sa 'mystery dyowa'; Joey Marquez baka raw biglang itakbo ang apo | Bandera

Winwyn Marquez engaged na sa ‘mystery dyowa’; Joey Marquez baka raw biglang itakbo ang apo

Ervin Santiago |May 24,2022
facebook
share this

Winwyn Marquez engaged na sa ‘mystery dyowa’; Joey Marquez baka raw biglang itakbo ang apo

Ervin Santiago - May 24, 2022 - 04:52 PM

Joey Marquez, Alma Moreno, Winwyn Marquez at ang kanyang mystery fiance

NAG-PROPOSE na pala sa Kapuso actress at dating beauty queen na si Winwyn Marquez ang kanyang boyfriend at ama ng anak niyang si Baby Luna.

Kung hindi raw nagkakamali ang veteran actor at kung hindi na magbabago ang plano, baka raw ngayong 2022 na magpakasal ang first-time parents

“Nag-propose na, nagpaalam sa akin. Expected ko naman yun dahil childhood sweetheart niya, e,” ang pahayag ni Tsong Joey sa ginanap na mediacon ng upcoming Kapuso series na “Bolera”, na magsisimula na sa darating na May 30.

Ngunit sabi ni Joey, wala pa raw sinasabi sa kanya si Winwyn tungkol sa eksaktong date at venue ng kasal.

Nagbigay din ng kaunting detalye ang komedyante tungkol sa fiancé ni Winwyn. Childhood sweetheart daw ng aktres ang guy at barkada raw ng isa pa niyang anak na si Yeoj Marquez.

“Magmula nu’ng Grade 4, nagkalapit na yung dalawa, e. Matagal na. Medyo natigil lang kasi nagkalayo sila ng propesyon.

“Nagpribado ang isa, tapos nagkita uli. Best friend ni Yeoj yun, kaklase niya,” chika pa ni Tsong.
Ibang klase rin daw na nanay si Winwyn dahil talagang hands-on ito sa pag-aalaga sa anak.

Sinasabihan nga raw niya lagi ang anak na bumalik na sa pagtatrabaho at siya na ang mag-aalaga sa apo.

“Sinasabi ko nga, magtrabaho na siya, tapos iwan na sa akin yung anak nila. Kasi, ayaw nga nila pahawak sa akin, baka itakbo ko. Hindi ko na sila papasukin dahil akin na yun,” natatawang biro ni Joey.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Teresita Ssen Winwyn Marquez (@teresitassen)


Natanong din si Joey sa presscon ng “Bolera” kung ano ang advice niya kay Winwyn ngayong may sarili na itong pamilya.

“Ang payo ko sa kanila, hindi madali ang magkaroon ng… pumasok sa ganu’ng bagay. Ang sabi ko lang sa kanila, ‘Ang desisyon niyan, nasa inyong dalawa parati.’

“Puwede kong maipayo yung pagiging ama sa mga anak. Sa pagiging asawa, wala akong moral ascendancy, e.

“Sa akin na lang, ‘Lahat ng gagawin ninyo, kailangang pag-usapan. Dapat pantay kayo ng desisyon,”’ sey pa ni Tsong.

Samantala, todo naman ang pasasalamat ni Joey sa mga bossing ng GMA dahil patuloy pa rin siyang binibigyan ng magagandang proyekto tulad na lang ng “Bolera.”

Wish niya na sana’y makagawa uli siya ng sitcom tulad ng dati niyang comedy show sa GMA na “Lagot Ka, Isusumbong Kita.”

“Ang sarap ng feeling na nagpapatawa ka ng tao. Napapabata mo sila,” chika ni Tsong Joey.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang “Bolera” ay pinagbibidahan nina Kylie Padilla, Jak Roberto, Rayver Cruz, Al Tantay, Jaclyn Jose, Gardo Versoza at marami pang iba, sa direksyon ni Dominic Zapata.

Joey kay Winwyn: Sabi ko bumalik ka na sa trabaho at ako na ang mag-aalaga sa apo ko

Winwyn first time mag-celebrate ng birthday bilang ina, sinabing ‘greatest gift’ niya si Baby Luna

Winwyn inaatake ng postpartum, ilang araw umiiyak pagkapanganak kay Baby Luna

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending