‘Not my baby’ post ni Skusta Clee; sino nga ba ang pinatatamaan?

Skusta Clee may cryptic post; sino nga ba ang pinatatamaan?

MULI na namang usap-usapan ang Ex-Batallion member na si Skusta Clee o si Daryl Ruiz Borja sa tunay na buhay dahil sa kanyang mga naging posts sa Facebook.

Nitong May 23 kasi ay may mga cryptic posts ang singer kaya marami sa mga netizens ang curious kung sino nga ba ang kanyang pinatutungkulan.

“Not my baby,” post ni Skusta Clee sa Facebook na ngayon ay burado na.

May sumunod naman itong post kung saan ang sabi niya ay, “Mababang uri ng tao. Gets nyo na ‘yon!”

Umani naman ng mga komento mula sa netizens ang naturang post ni Skusta Clee.

“Are you referring to yourself, sis?” saad ng isang netizen.

Sabi naman ng isa, “Buti alam mo na pagkatao mo.”

 

 

May isang netizen naman ang nagdawit sa pangalan ni Wilbert Ross na dati ring na-link sa ex-dyowa ni Skusta Clee na si Zeinab Harake.

“Nakita lang na magkasama ang WilZeb (Wilbert at Zeinab) e iyak na! Hahaha!” sey ng netizen.

Nag-post kasi si Wilbert ng larawan nila ng kaibigang si Zeinab sa kanyang IG story na ni-repost rin ng vlogger sa kanyang account.

“Gusto ko lang sabihin sa taong to na napaka the best nya. Iba yung care and love ng samahan natin mula noon at di nagbago yun matapos lahat ng nangyari. Masaya ako na nandyan ka pa rin palagi para suportahan ako. Salamat @hashtag_wilbert.

“Yung pagkakaibigan natin ayun yung pang habang buhay at di matitibag wow whahaha pero ang saya ko okay na tayo labyuuuuu bebe ko!” saad ni Zeinab.

Matapos ang post naunang post na ito ni Skusta Clee ay ibinahagi naman niya ang YouTube video mula sa Wish 107.5 ng kanyang kaibigan at kapwa miyembro ng Ex-Batallion na si Flow G kung saan kinanta nito ang “Praning”.

Kung papakinggan mo ang kanta au tungkol ito sa pagpupursige ng isang tao at hindi umasa sa ibang tao sa bigay o hingi.

Lately lang ay naglabas ng bagong single si Skusta Clee kasama si Gloc-9 na pinamagatang “Kumpisal”.

 

Related Chika:
Skusta Clee malalim ang hugot sa ‘Kumpisal’ nila ni Gloc-9: Dito na ako hihingi ng tawad…

Lovelife hugot ni Skusta Clee: Nagmu-move forward agad ako kasi kung mag-i-stay ka sa isang lugar lulugmukin mo lang ang sarili mo

Xian Gaza kay Skusta Clee: Napakapangit mo na nga…

Read more...