Westlife, mag-co-concert muli sa Pilipinas sa 2023

Manila, Philippines – Inanunsyo ng Wilbros Live ang pagbabalik ng Westlife sa bansa para sa isa na namang kapana-panabik na concert!

Muling magko-concert sa Pilipinas ang sikat na Irish boyband para sa kanilang ‘The Wild Dreams Tour’, gaganapin sa  Pebrero 20, 2023 sa Araneta Coliseum.

Huling bumisita ang Pinoy-favorite na grupo sa bansa noong 2019 para sa kanilang record-breaking reunion tour na tinawag na “The Twenty Tour.”

Ang Westlife ay boyband na binubuo nila Shane Filan, Nicky Byrne, Kian Egan, at Mark Feehily.

 Ayon sa Wilbros Live, mag-uumpisa ang pagbebenta ng concert tickets sa June 4, alas-10 ng umaga via TicketNet.com.ph at mga TicketNet outlets.

Namayagpag at pinasikat ng Westlife sa Pilipinas ang kanilang mga orihinal na hit songs gaya ng “If I let You Go”, “My Love”, “Flying Without Wings”, “Fool Again”, “Queen Of My Heart”, “World Of Our Own”, at marami pang iba noong early 2000s. Kanila ring ipo-promote ang kanilang latest album na Wild Dreams sa kanilang pagbabalik dito sa Pilipinas.

 

#WESTLIFEManila2023

Read more...