Yayaman naman | Bandera

Yayaman naman

Joseph Greenfield - September 22, 2013 - 03:00 AM

Sulat mula kay Elve, ng Claveria, Misamis Oriental
Dear Sir Greenfield,
Sunud-sunod na kamalasan at mabibigat na problema ang dumating sa buhay ko. Nahinto ako sa pag-aaral. Nasa kolehiyo na sana ako ngayon. Naghiwalay ang mga magulang ko pagkatapos ng matinding pag-aaway. Isang buwan nang hindi napapakita dito sa bahay ang tatay ko. Hindi ko alam kung may sinamahan siyang ibang babae. Hindi na kaya ng nanay ko na buhayin kaming magkakapatid. Apat kami. Kung saan-saan na siya nangungutang para lang kami mabuhay. Naghahanap ako ng trabaho para makatulong sa aking pamilya. Ang gusto ko lang itanong sa inyo Sir Greenfield ay kung muli kayang mabubuo ang aming pamilya? Babalik pa kaya ang tatay ko? At ako naman po makakahanap kaya ako ng trabaho kahit tindera lang sa palengke? Sa ganitong kalagayan namin, makaaahon pa kaya kami sa kahirapan?
Umaasa,
Elve, ng Claveria, Misamis Oriental
Solusyon/Anlysis:
Palmistry:
May malinaw na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, bagamat hindi pa ngayon, makapag-aabrod ka at sa pamamagitan ng nasabing pangingibang bansa, doon na nga magsisimulang maiahon mo sa kahirapan ang inyong pamilya.
Cartomancy:
Bagamat mahirap, makakaya ninyong mapaunlad ang inyong pamilya kahit wala na ang
iyong ama, ang nais sabihin ng barahang Three of Spades at Seven of Hearts. Ganon paman, sa bandang huli ang King of Diamonds ang nagsasabing muling makapag-aasawa ng may kaya sa buhay ang nanay mo. Ito ang isa sa mga magiging dahilan upang ikaw ay makapangibang bansa. Habang tinutulungan kayo ng nasabing lalaki, tuluy-tuloy ng giginhawa ang pamumuhay ng inyong pamilya.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending