Rica Peralejo 'naadik' sa pagwo-workout, nagpagawa ng sariling gym sa bahay | Bandera

Rica Peralejo ‘naadik’ sa pagwo-workout, nagpagawa ng sariling gym sa bahay

Ervin Santiago |May 22,2022
facebook
share this

Rica Peralejo ‘naadik’ sa pagwo-workout, nagpagawa ng sariling gym sa bahay

Ervin Santiago - May 22, 2022 - 07:19 AM

Rica Peralejo

NEVER na-imagine ng aktres at inspirational speaker na si Rica Peralejo na “maaadik” at kakaririn niya nang bonggang-bongga ang pagwo-workout.

Ito ang inamin ng celebrity mom sa bago niyang YouTube vlog kung saan ipinakita rin niya ang ipinatayo niyang sariling gym sa kanilang newly renovated home.

Ayon kay Rica, halos one-third daw ng kanyang three-car garage ang nasakop ng ipinagawa niyang gym habang ang natitira pang space ay ginagamit ng kanyang pamilya sa mga outdoor play at  exercise area.

Kuwento ng hindi na gaanong aktibong aktres, umabot daw ng dalawang taon ang proseso ng pagpapa-renovate sa kanilang bahay pero super happy naman siya sa kinalabasan nito.

“Finally, natapos na siya. After all the heartaches and hintay, aba’y worth it naman,” pahayag ni Rica.

Aniya, nakita raw niya ang kahalagahan ng physical fitness noong kasagsagan ng pandemya at hindi raw daw niya na-imagine na magkakaroon siya ng sariling gym sa bahay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rica Peralejo-Bonifacio (@ricaperalejo)


“Guys, ito ang patunay na never say never kasi hindi ko akalain na mahu-hook ako sa pagwo-workout. And because of that, I never even thought that I would have a gym room in my house.

“I realized the value of putting in time for physical fitness to be healthy. And at the same time, kasi noong pandemya nagsara lahat.

“Wala kang gym, kahit ‘yung gym namin sa village hindi puwede gamitin, so everything had to be in the home,” pahayag ng aktres.

Kuwento pa niya, sa halip daw na pader, mas pinili niya na gumamit ng ready-made boards bilang partitions sa gym room habang ang espasyo naman ay may glass roof, bintana at sliding screen door.

“I could’ve done that, not make a partition, but dito po sa Pilipinas napakarami pong lamok, may flying ipis. Ayoko ng mga ganon ‘pag nagwo-workout ako so I had to enclose it,” paliwanag niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makikita sa gym ang isang pull-up tower at bench. May crate din ito kung saan nakalagay ang kanyang mga paboritong jump ropes at resistance bands, with a shelf with foam rollers and weights.

Rica maraming pangakong ‘napako’ dahil sa anak, payo sa mga mommy: Never stop listening to your kids

Rica: Broken na broken talaga, iyon ‘yung feeling ko…napagod ako!

Vice nagpagawa ng gym sa bahay para kay Ion; Enzo, Michelle nagpapakaligaya sa Bora

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending