Mga Marcos 'maglilingkod' kay Aquino | Bandera

Mga Marcos ‘maglilingkod’ kay Aquino

- May 13, 2010 - 03:43 PM

Lito Bautista, Executive Editor

PARANG hangin na dumaan lamang sa kasalukuyang henerasyon ang pagkapanalo nina Imelda Marcos, Imee Marcos at Bongbong Marcos.
Pero, sa mga isinilang sa panahon ni Marcos, hanggang sa paslangin si Benigno Aquino at maging pangulo ang balo, si Corazon Aquino, nagbago na ang ihip ng hangin. Ang luluklok na pangulo ay si Benigno Aquino III, at maglilingkod sa ilalim ng kanyang administrasyon sina Imelda, Imee at Bongbong.  Bagaman puwedeng manahimik na lang ang mga babaeng Marcos, hindi ito puwede sa lalaking Marcos, na manunungkulan sa maingay at magulong Senado.
Ano ang dala ng hangin at paano ito makaaapekto sa papasok na tag-ulan?  Maaaring unos (kung mauungkat ang pamamaslang kay Ninoy at hukayin ang utak), o maaaring pamatid-uhaw (kung walang bagyo) sa tigang na tagtuyot.  Na, kung babasahin ay reconciliation; na tila imposibleng mangyari.

Bandera, Philippine News, 051310

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending