Rita Avila naniniwalang nagpaparamdam ang anak kapag may langaw o paru-paro sa paligid | Bandera

Rita Avila naniniwalang nagpaparamdam ang anak kapag may langaw o paru-paro sa paligid

Therese Arceo |May 19,2022
facebook
share this

Rita Avila naniniwalang nagpaparamdam ang anak kapag may langaw o paru-paro sa paligid

Therese Arceo - May 19, 2022 - 03:10 PM

Rita Avila naniniwalang nagpaparamdam ang anak kapag may langaw o paru-paro sa paligid

NANINIWALA ang aktres na si Rita Avila na sa tuwing may langaw o paroparo na malapit sa kanya ay dinadalaw siya ng kanyang namayapang anak na si Jesu.

Sa naging panayam niya kay Ogie Diaz sa latest vlog nito ay ibinahagi ng aktres na sa tuwing may lumapit o dumadapo sa kanyang langaw o paru-paro ay nagiging emosyonal siya dahil alam niyang nagpaparamdam sa kanya ang anak.

Pagkukwento ni Rita, noong una raw ay hindi niya masyadong pinapnsin ang mga langaw na lagi na lang nakabuntot sa kanya.

Minsan naman daw ay paru-paro kaya hindi niya maiwasang maging emosyonal lalo’t namimiss niya ang anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rita Avila (@msritaavila)

Noong una ay hindi pinapansin ni Rita ang mga langaw na laging tila nakasunod sa kanya.

At dahil nga madalas itong magparamdam ay hinamon niya ang langaw na lapit nang lapit sa kanya habang nag-i-stay siya sa isang hotel room.

“Sabi ko, ano ba ‘to, hotel may langaw? Kung ikaw nga si Jesu, punta ka nga sa daliri ko. Nagpunta!” lahad ni Rita.

Dagdag pa niya, “Strange pero nangyayari. Nung nakatindig ako sa may puntod niya, out of nowhere, ay lumipat na akin (ang paroparo). Napaiyak ako.”

Ito na nga rin ang isa sa mga naging rason ni Rita kung bakit mas lalong naging bukas ang puso ng aktres sa pagtulong sa kabataan pati na rin sa mga matatandang nangangailangan ng tulong.

Nasa edad na 16 na si Jesu sakaling nabubuhay pa hanggang ngayon ang anak ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Rita Avila dismayado sa interview ni Boy Abunda kay VP Leni: Parang ayaw mo nang pasagutin…

Resbak ni Rita Avila sa haters ni VP Leni: Mas magandang nakaaangat ang kabutihan kesa sa kasamaan…

Rita Avila nag-reach out kay Boy Abunda ‘out of decency’, nangakong irerespeto ang isa’t isa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending