Yeng super proud sa kapatid na transgender: I am for you, I want you to be happy, I want you to be healthy | Bandera

Yeng super proud sa kapatid na transgender: I am for you, I want you to be happy, I want you to be healthy

Ervin Santiago - May 18, 2022 - 10:40 AM

Kukie at Yeng Constantino

AMINADO ang Kapamilya singer at songwriter na si Yeng Constantino na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya lubusang naiintindihan ang mundo ng kapatid niyang transgender woman.

Ngunit sa kabila nito ay matagal na raw niyang tanggap ang pagkatao at kasarian ng kapatid niyang si Kukie kasabay ng pagrespeto sa mga naging desisyon nito sa kanyang buhay.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nakasama ni Yeng sa kanyang YouTube vlog (in-upload kahapon, May 17) si Kukie kung saan napag-usapan nga nila ang pagiging transwoman nito.

Ayon kay Kukie, ang transwoman ay ipinanganam na lalaki pero ina-identify ang kanilang sarili bilang isang babae.

Sabi ni Yeng, kahit hindi niya masyadong naiintindihan ang gender identity ng kapatid na proud  member ng LGBTQIA+ community ay tanggap na tanggap niya ito.

Kaya naman nagdesisyon siyang gumawa ng vlog kasama si Kuki. “Aaminin ko rin siguro na I will never be able to understand it. Wala ako sa katawan mo, e,” sabi ng Kapamilya singer kay Kukie.

Aniya pa, “Pero I can empathize doon sa feeling of you just want to be treated as a human being, kung anuman yung orientation na gusto mo.”

Nagpapasalamat din si Yeng sa kanilang mga magulang dahil 100 percent ang naging suporta ng mga ito sa kanilang magkapatid simula pa noong mga bata pa lamang sila at nagsisimula pa lamang na bumuo ng kanilang mga pangarap.

Kuwento pa ng award-winning songwriter, naging supportive ang parents niya sa pangarap niyang maging singer kahit na palaging ipinaalala sa kanya na unahin muna ang pag-aaral.

“Kumbaga, sa akin, puwede namang ipilit talaga ng magulang natin na hindi ako maging artist. Di po kasi ako academically sobrang okay na bata.

“Siguro kung naging mapilit ang mga magulang ko na dapat academically well achieved ka na bata para ma-accept ka, siguro sobrang mahihirapan ako.

“I’m just really grateful na may mga magulang tayo na parang tinanggap yung quirk ko,” paliwanag ni Yeng.

Kahit daw ang pagiging transwoman ni Kukie ay tanggap ng mga ito kaya hindi nahirapan ang kapatid na magpakatotoo at ibandera ang tunay na pagkatao sa madlang pipol.

At tulad ng mga magulang, buong-buo rin ang pagtanggap niya kay Kukie, “So, orientation niya. Eto yung identity niya, and it’s something I will never be able to fully, fully understand.

“But I am for you. I want you to be happy. I want you to be healthy. I want you to live a full life,” aniya pa.

Kaya ang hiling ni Yeng, sana raw sa pamamagitan ng kanilang vlog ay mas maunawaan at mas maging open minded ang mga tao sa mundo ng mga transgender.

“Yung prejudice na pinagdadaanan ninyo, ng mga katulad mo, mga bata na parang there’s something wrong with me. Tapos, hindi mo alam kung paano mo ie-express ang sarili mo sa mundo.

“Kasi, parang feeling mo lagi out of place ka, para kang puzzle piece na hindi ka mag-fit kahit saang butas.

“We have that power to make people feel that they are welcome,” ani Yeng.

Dagdag pa niyang pagmamalaki kay Kukie, “Alam n’yo yung kapatid ko, siya pa yung sobrang nag-alaga sa mama namin nung may sakit si Mama.

“And now na wala na si Mama, siya naman nag-aalaga sa tatay namin dito sa farm,” diin pa niya.
Sey pa ng Kapamilya star, “Because they’re different, we judge them doon sa panlabas. Nakikita ko iyon sa kapatid ko.

“Ginawa ko yung vlog na ito para makita nila yung glimpse ng mundo ba nila.

“I hope we will be more open, compassionate, and loving kasi yun ang kailangan ng mundo,” pahayag pa ni Yeng.

https://bandera.inquirer.net/299023/lagi-kong-tinatanong-noong-bata-ako-mahal-ba-talaga-ako-ni-mama

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/299687/yeng-sa-pagpanaw-ng-ina-after-four-days-mula-nang-mawala-siya-saka-lang-ako-nakaiyak
https://bandera.inquirer.net/309258/yan-asuncion-relate-much-sa-rebelasyon-ni-ryan-bang-kay-yeng-natakot-din-akong-manligaw-sa-kanya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending