Joshua Garcia todo puri kina Charlie Dizon at Jameson Blake: Hindi sila maramot na artista Bandera

Joshua Garcia todo puri kina Charlie Dizon at Jameson Blake: Hindi sila maramot na artista

Ervin Santiago |May 14,2022
share this

Joshua Garcia todo puri kina Charlie Dizon at Jameson Blake: Hindi sila maramot na artista

Ervin Santiago May 14, 2022 - 01:36 PM

Joshua Garcia, Jameson Blake at Charlie Dizon

NAPAKARAMING natutunang life lessons ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia sa mga co-stars niya sa hit drama series na “Viral Scandal” ng ABS-CBN.

Sa loob ng anim na buwan, talaga namang nagmarka sa mga manonood ang character ng binata sa serye bilang si Architect Kyle Constantino.

Nagpapasalamat si Joshua sa madlang pipol dahil mula simula hanggang ending ay sinubaybayan ng mga ito ang kuwento ng “Viral Scandal” lalo na ang love triangle nila nina Charlie Dizon at Jameson Blake.

“Ang dami na naming shinare na emotions sa isa’t isa. Du’n pa lang alam mong close na rin kayo. Actually natutuwa ako sa mga tao sa Twitter.

“Kapag nagte-taping kami sa labas ang tawag nila sa akin sir Kyle tapos hinahanap nila sa akin si Rica palagi. So yun lang, nakakatuwa lang. Alam kong nakatutok rin yung mga tao.

“Thankful ako na nakatrabaho ko silang dalawa, si Charlie at si Jameson. Kasi hindi sila maramot na artista. Nagbibigay sila ng emotion sa lahat. Ginagawa nila ng maayos yung trabaho nila. Kaya salamat sa inyo,” pahayag ni Joshua na sinasabing next John Lloyd Cruz ng local showbiz.

Sa tanong kung anu-ano ang mga natutunan niya sa ginampanang role sa “Viral Scandal”, “I think more than sa character ko, mas marami akong natutunan sa cast. Kung paano sila sa trabaho and paano sila mag-prepare as an actor. Feeling ko yun lang yung masasabi ko.

“Mas marami akong natutunan sa mga kasama ko kaysa sa character ko mismo. Kasi sa character ko naman challenging siya para sa akin kasi sa isang araw iba’t ibang emotion yung binibigay namin sa isa’t isa.

“Ang masasabi ko lang masaya ako kasi na-experience ko makatrabaho yung mga kasama ko sa cast. Kumbaga thankful ako sa craft na shinare nila sa akin, sa mga wisdom ng mga ate at kuya sa cast. Maraming salamat sa inyo. Lalo na kay Ms. Dimples (Romana),” chika pa ni Joshua.

After “Viral Scandal”, mapapanood naman ang binata sa bagong version ng “Darna” sa ABS-CBN kung saan isa siya sa gaganap na leading man ni Jane de Leon na siyang susunod na tagapagmana ng mahiwagang bato ni….Darnaaaaaaa!

Joshua nanginig ang buong katawan dahil kay Charlie; ABS-CBN tuloy ang mga ‘pasabog’ para sa buong mundo

Joshua malaki ang utang na loob sa KathNiel: Sobrang swerte ko na naging kaibigan ko sila

Young actor ubod pa rin ng yabang kahit minalas at nawalan ng raket dahil sa video scandal

 

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending