Alice Dixson ngayon lang ipinakilala ang panganay na anak: Napaka-protective kasi ng father niya Bandera

Alice Dixson ngayon lang ipinakilala ang panganay na anak: Napaka-protective kasi ng father niya

Ervin Santiago |May 11,2022
share this

Alice Dixson ngayon lang ipinakilala ang panganay na anak: Napaka-protective kasi ng father niya

Ervin Santiago May 11, 2022 - 12:16 PM

Alice Dixson at Sassa

IKINAGULAT ng maraming netizens ang latest chika na ibinalita ng Kapuso actress na si Alice Dixson tungkol sa “panganay” niyang anak.

Hindi pala si Baby Aura ang unang anak ng “First Lady” kontrabida kundi si Sassa na isa na dalagang-dalaga na ngayon at master’s graduate pa.

Nag-post ang aktres at dating beauty queen sa kanyang social media account kahapon para nga ipakilala ang kanyang eldest child kasabay ng pagbati niya sa sarili ng  “Happy Mother’s Day.”

Nag-share si Alice ng ilang photos at video clip kung saan makikita ngang kasama niya si Sassa. Isa nga rito ay ang litrato ng aktres with Baby Aura and Sassa.

Aniya sa caption, “Being a mom is a gift. I’ve been very lucky in my lifetime to experience it twice; 1st with Sassa our panganay.

“Nang dumating nabuo ang munting pamilya. Tho hindi ko sya na-introduce formally when she was a teen kasi napakaprotective ng father nya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alice Dixson (@alicedixson)


“Pero ngayon na young lady na sya at masters grad pa – the world is now her oyster. I’m so very proud the woman you are & becoming… beautiful inside and out,” pagmamalaki pa no Alice sa kanyang dalagang anak.

“Happy Mother’s Day to me and all the mom matrastas like me… thank you for your greetings,” pahabol pa niyang mensahe.

Noong April 2021, ibinandera ng 52-year-old actress na isa na siyang ina at kapiling na niya si Baby Aura na nabuo sa pamamagitan ng surrogacy.

Kasunod nito, last September, 2021 naman ay ipinakita rin niya for the first time ang itsura ng kanyang long-time partner, ang tatay ni Baby Aura.

Alice nag-a-adjust pa bilang mommy ni Baby Aura: Hindi ko pa siya nalalaro at nakakasama ng 100%

Alice maraming pinaiyak sa video ni Baby Aura; ‘Legal Wives’ ni Dennis sasabak uli sa lock-in taping

Alice inatake ng ‘sepanx’ nang mawalay sa anak para sumabak sa lock-in taping ng ‘First Lady’

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending