Dingdong nahirapan sa comedy, pero sey ni Marian: Natatawa ako kapag pinapanood ko siya, natural comedian naman | Bandera

Dingdong nahirapan sa comedy, pero sey ni Marian: Natatawa ako kapag pinapanood ko siya, natural comedian naman

Ervin Santiago |May 11,2022
facebook
share this

Dingdong nahirapan sa comedy, pero sey ni Marian: Natatawa ako kapag pinapanood ko siya, natural comedian naman

Ervin Santiago - May 11, 2022 - 07:10 AM

Marian Rivera at Dingdong Dantes

NGAYONG Sabado na, May 14, magsisimula ang kauna-unahang sitcom ng Kapuso Royal couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, ang “Jose & Maria’s Bonggang Villa”.

Kaya naman super excited na ang mag-asawa na mapanood ng milyun-milyong Kapuso viewers all over the world ang ipinagmamalaki nilang reunion project.

Siguradong abangers na ang lahat ng DongYan supporters sa pag-ere ng “Jose & Maria’s Bonggang Villa” sa GMA dahil talaga namang na-miss nila nang bonggang-bongga ang mag-asawa na magkasama sa isang project.

Kung hindi kami nagkakamali, huling napanood ang celebrity couple sa GMA primetime series na “My Beloved” noon pang 2012.

Sa naganap na grand media launch ng DongYan sitcom last week, sinagot ni Marian kung bakit isang sitcom ang napili nila ni Dong na maging comeback project nila together.

“Kasi sabi ko nga, ang daming show, sorry pero hindi ko magawa, kasi dahil naka-lock in, maiiwan ko ang mga anak ko, kailangan ako sa bahay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)


“This time, maraming nagtatanong, ‘bakit napapayag ka?’ Una sa lahat sinigurado namin mag-asawa na tuwing may taping kami nandoon ‘yung mga magulang namin para alagaan ‘yung mga anak namin,” paliwanag pa ng Kapuso Primetime Queen.

“Pangalawa, excited kasi ako na makatrabaho uli siya, kasi kapag nag-usap kami ang tagal namin hindi nagkatrabaho, parang 10 years nga.

“So, looking forward ako. Iba kasi kapag nasa bahay tatlo silang inaasikaso ko. Sa taping, isa lang siyang inaasikaso ko. Oh, ‘di ba, magkaiba ‘yun?

“Masaya ako kasi parang ‘yun ‘yung ‘me time’ naming dalawa na wala kaming iniisip, nagkukulitan kami. Naglalambingan kami, parang lahat napag-uusapan namin buong araw habang nasa taping kami,” chika pa ni Marian.

Samantala, inamin naman ni Dingdong na nahirapan siya sa pagko-comedy at si Marian nga raw ang nagsilbing acting coach niya sa “Bonggang Villa.”

“Kasi siya, sanay na sa comedy like in ‘Sunday Pinasaya’ noong araw. Nahirapan ako noong araw kasi mas sanay talaga ako sa drama at sa action. But after a while, nakuha ko rin naman, thanks to my personal coach,” pahayag pa ng aktor at TV host.

Hirit naman ni Marian, “Wala naman siyang dapat ikabahala kasi may talent naman siya for comedy.

“Panoorin n’yo ang show namin and find out for yourself. Kasi ako, natatawa ako kapag pinapanood ko siya. Mukhang natural comedian siya at nakakatawa rin ang mga sitwasyon sa show namin,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya abangan ang world premiere ng “Jose & Maria’s Bonggang Villa” sa May 14, 7:15 p.m. sa Sabado Star Power sa Gabi ng GMA.

Dingdong kay Marian: Napakaswerte ko na siya talaga ang naging asawa ko

Dingdong miss na miss na si misis at 2 anak; Marian payag na ba sa face-to-face classes?

Vice sa pagkatalo ni Beatrice sa Miss U: Panalo pa rin ang ‘Pelepins’ dahil pinakamaganda si Marian!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending