Myrtle Sarrosa walang oras sa mga lalaki: Pero may mga nagpaparamdam naman... | Bandera

Myrtle Sarrosa walang oras sa mga lalaki: Pero may mga nagpaparamdam naman…

Ervin Santiago |May 10,2022
facebook
share this

Myrtle Sarrosa walang oras sa mga lalaki: Pero may mga nagpaparamdam naman…

Ervin Santiago - May 10, 2022 - 07:14 AM

Myrtle Sarrosa

MAY mga nanliligaw at pumoporma namang mga guys sa Kapuso actress at gamer-streamer na si Myrtle Sarrosa.

Pero ayon sa dalaga na unang nakilala sa entertainment industry bilang cosplayer, wala pa siya talagang sapat na oras para pumasok sa seryosong relasyon.

“May mga nagpaparamdam naman in my community, mayroon naman. Kwento ko na lang sa yo kapag medyo official na,” chika ni Myrtle sa panayam ng “Surprise Guest with Pia Arcangel.”

Dagdag ng Kapuso star, hindi pa niya maisama sa listahan ng kanyang top priority sa buhay dahil sa kaliwa’t kanan niyang trabaho bukod pa sa hindi rin daw siya masyadong lumalabas ng bahay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Myrtle Sarrosa (@myrtlegail)


“Sa ngayon kasi I’m always on the grind sa work e, so hindi ko nabibigyan ng oras. Lalo na parang hindi naman ako lumalabas ng bahay.

“So ano talaga, ‘yung mga nakakasama ko talaga is really my family and my dad and my mom na supportive sa ginagawa ko,” katwiran pa niya.

Pero ipinagdiinan niya na super  active naman ang kanyang social life, “I think most of my community ngayon kasi is mga investors rin into gaming.

“Mga community ko ngayon mga people who are actually business-minded na lagi nilang sinasabi sa akin na parang, okay so we can do this or ‘yung team ko.

“Kasi mayroon din akong parang sariling production team sa mag content ko ngayon sa pages ko,” pahayag pa ni Myrtle.

“So hindi naman ako nauubusan ng social life, kaso minsan ang ano talaga e, I wish we had more hours in the day,” hirit pa ng dalaga.

Hindi masyadong maingay ang past relationships ni Myrtle pero aminado siya na super crush niya ang Kapuso broadcast journalist na si Atom Araullo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod dito, gustung-gusto rin niyang makatrabaho in the future sina Alden Richards at Derrick Monasterio. Matagal na niyang sinasabi na isa si Alden sa mga Kapuso stars na pangarap niyang maging leading man.

Payo ni Myrtle Sarrosa sa kabataan: Huwag madaliin ang lovelife and avoid teen pregnancy

Myrtle Sarrosa nagka-chronic intestinal disease dahil sa sobra-sobrang kape, karne

Hugot post ni KC tungkol sa ‘baby’ patutsada nga ba kay Mega?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending