Sarah Geronimo may paalala sa mga botante: God bless the Philippines! | Bandera

Sarah Geronimo may paalala sa mga botante: God bless the Philippines!

Therese Arceo - May 08, 2022 - 06:41 PM

Sarah Geronimo may paalala sa mga botante: God bless the Philippines!
ISA si Asia’s Popstar Royalty Sarah Geronimo sa mga artistang inaabangan ng madlang pipol kung sino nga ba ang kandidatong ieendorso nito ngayong darating na eleksyon.

Ngunit isang araw na lang bago ang national elections ay tikom pa rin ito sa kung sino nga ba ang kanyang iboboto.

Marami ang nag-iisip na marahil ay may mga kontratang napirmahan si Sarah na pinagbabawalan ito na mag-post o mag-endorso ng kandidato dahil maaaring makaapekto ito sa mga brands na nirerepresenta niya.

Sa kabila nito ay hindi naman nakalimuyan ng aktres na magbigay paalala sa mga kababayan patungkol sa darating na eleksyon.

Nag-post si Sarah sa kanyang Instagram ng isang photo quote mula kay Dwight D Eisenhower na nagsasabing, “We the people, elect leaders not to rule but to serve.”

Caption niya, “May God grant us wisdom as we vote for the nation’s future.”

Nagbahagi rin siya ng isang YouTube video mula sa Victory Fort.

Dagdag pa ni Sarah, “God bless us all! God bless the Philippines!”

Bagamat tahimik lang ang aktres ay naging biktima ito ng mga naglipanang fake news na may sinusuportahan siyang artista.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sarah Geronimo (@justsarahgph)

 

Nauna nang kumalat ang chika na isa siyang “kakampink” nang kumalat ang diumano’y IG story ng Viva kung saan makikita siyang naka-pink at may caption na “papunta pa lang tayo sa exciting part”.

Agad naman itong pinabulaan ng Viva Artists Agency na nagha-handle kay Sarah at sinabing “edited” ay “altered” ang naturang larawan.

Nitong linggo naman ay nag-viral ang isang video mula sa reported ng SMNI na nagsasabing may bigating artista raw ang sumusuporta kay Bongbong Marcos ngunit hindi raw ito makasama sa mga rallies o mag-post dahil bawal.

Nagbigay rin ito ng clue na asawa raw ni Matteo G kaya naman agad na nag-react ang mga fans ni Sarah at tinanong kung may katotohanan nga ba ito.

Tulad ng naunang viral photo, itinanggi rin ng Viva ang kumalat na video at sinabing walang katotohanan ito dahil walang kandidatong ineendorso ang Popstar royalty maging ang asawa nitong si Matteo Guidicelli.

“Contrary to rumors circulating, our artists, Sarah Geronimo-Guidicelli and Matteo Guidicelli are not endorsing any political candidate for the upcoming elections,” saad ng Viva.

Dagdag pa nito, “For updates and announcements, please only refer to verified and official social media accounts.”

Samantala, kamakailan lang nang ma-feature sina Sarah at Matteo sa isang nature-themed shoot para sa lifestyle magazine na Tatler Philippines.

Related Chika:
Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli walang ineendorsong kandidato, kumakalat na video ‘fake news’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matteo gusto nang maging daddy, tinukso-tukso si Sarah: Babies! Babies!

Matteo, Sarah pinakilig ang netizens

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending