Matteo, Sarah pinakilig ang netizens | Bandera

Matteo, Sarah pinakilig ang netizens

Therese Arceo |July 23,2021
facebook
share this

Matteo, Sarah pinakilig ang netizens

Therese Arceo - July 23, 2021 - 09:10 AM

 

HINDI naman mapigilan ng mga AshMatt fans ang tuwa sa pinakabagong TV commercial ng mga ito.

Sa ibinahaging behind the scenes ng Creative Director na si David Milan sa kanyang Instagram story, makikita kung gaano ka-sweet at ka-kulit ang dalawa.

Umabot nga halos ng limang takes si Matteo sa kanyang pag-sabi ng line na “I’m glad I got to celebrate each day with you.”

Kita naman sa mata ng singer-actress ang saya at kilig habang ka-eksena ang asawa.

Bukod pa rito, nag-post rin ang aktor ng mga polaroid photos nilang dalawa habang kinukunan ang latest TV Commercial.

“It’s almost your biiiiiirthdaaaay! #iloveyou,” caption ng aktor sa kanyang Instagram post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog)

Marami naman ang kinilig sa pagiging sweet ni Matteo kay Sarah at pinaulanan ng maraming heart emoji comments ang post ng aktor.

Marami rin sa kanilang supporters ang nag-aabang kung ano ang gagawing pakulo ni Matteo sa darating na birthday ng nag-iisang Pop Star Royalty.

Hiling rin ng netizens na sana ay magkaroon na ng baby ang dalawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Noong nakaraang taon lamang ay sinabi ng mag-asawa na hindi pa nila sinusubukan na magkaroon ng anak at gusto munang i-enjoy ang buhay mag-asawa.

Nagkaroon rin naman ng haka-haka na buntis na si Sarah ngunit hindi ito kinumpirma ng dalawa.

Isang taon na ang nakakalipas magmula ng ikasal ang dalawa pagkatapos maging mag-boyfriend at girlfriend ng anim na taon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending