Ariella Arida, Tony Labrusca mas gumaling sa pagsisid; kinarir ang free diving training
AYAW idetalye ng aktres at dating beauty queen na si Ariella Arida kung anu-anong maiinit at maseselang eksena ang ginawa niya sa bago niyang pelikula sa Vivamax, ang sexy-drama na “Breathe Again.”
In fairness, karapat-dapat lang na bigyan ng follow-up project ng Viva Entertainment si Ariella dahil talagang napansin at pinuri siya nang bonggang-bongga sa pelikulang “Sarap Mong Patayin” kasama sina Lassy Marquez at Kit Thompson.
Pero inamin naman ni Ariella sa panayam namin sa kanya pagkatapos ng face-to-face presscon ng “Breath Again” na siguradong ikaka-shock ng mga kapwa niya beauty queen ang mga ipinagawa sa kanya ni Direk Raffy Francisco sa movie.
Napanood na namin ang trailer ng pelikula at mukhang sa production design pa lang at sa location ay winner na ang mga manonood. Napakaganda kasi ng mga underwater scenes ni Ariella at ng leading man niyang si Tony Labrusca.
Kinunan daw ito sa karagatan ng Anilao sa Mabini, Batangas sabi ni Ariella, “Ang sarap mag-shooting na ganoon yung location. Iba yung naibibigay na vibe ng dagat, mas chillax.
“Nu’ng pinitch sa akin yung karakter, tapos free diver ako, I’m super excited kasi it’s something that I want to try too. But we really, really had some trainings, me and Tony together to do free diving.
“Akala ko, personally, it would be easy na parang makikita ng tao na parang sisisid ka lang sa swimming pool, sisisid ka lang sa malalim.
“Pero kailangan mo rin ng techniques especially kung as a role. Hindi siya basta-basta ginagawa without any proper training.
“Kaya ako, na-enjoy ko rin po kasi nagkaroon din ako ng free course sa free diving,” chika pa ng Miss Universe 2013 3rd runner-up about her experience sa shooting nila para sa “Breathe Again.”
Kuwento naman ni Direk Raffy tungkol sa tema at kuwento ng pelikula, “It’s a hot film. We pushed boundaries here in terms of sexiness.”
Tumanggi ring banggitin ni Direk Raffy kung sinu-sino kina Tony, Ariella at Ivan Padilla ang mga tumodo sa sex scenes sa movie, “The core of the movie is about finding yourself. Breathing is a very personal thing, the way one person breathes is very different from another.
View this post on Instagram
“And the journey of the narrative for the main character here is finding her breath again just to give you a clue kung what the movie is all about. It’s finding her own breath again,” dagdag ng direktor.
Samantala, pwede ring ituring na advocacy movie ang “Breathe Again” dahil sa ilang eksena na nagpapaalala sa publiko kung paano ang tamang pag-aalaga sa kalikasan.
“Makikita natin yung mga anggulo na kagustuhan niya sa karagatan and caring for the environment so all of these are encapsulated in the sport of free diving.
“Ang ganda kasi ng karagatan ng Pilipinas if you only get to see it wow!” pahayag pa ni Direk Raffy.
https://bandera.inquirer.net/295275/ariella-arida-kay-miss-universe-ph-bea-gomez-i-have-nothing-against-her-being-openly-gay
https://bandera.inquirer.net/296218/ariella-nag-audition-daw-sa-darna-bilang-valentina-my-god-sana-nga-po-ipagdasal-po-natin
https://bandera.inquirer.net/312641/wala-naman-akong-ginawang-masama-mabuti-akong-tao
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.