Ivana Alawi ginalaw na ang baso, isang certified Kakampink
DALAWANG araw bago ang eleksyon, nagpahayag na ang Kapamilya actress at isa sa mga most subscribed Filipino YouTubers na si Ivana Alawi ng kanyang suporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo.
Sa kanyang social media accounts ay tuluyan na niyang hinikayat ang mga kapwa Pilipino na hangga’t pwede at kaya pa ay gumawa ng tama.
“Walang huli. Walang mali. Hangga’t pwede pa. Hanggang kaya mo pa. Kaya nating gumawa ng tama.
“Ako po si Ivana Alawi at ang presidente ko ay si Leni Robredo,” saad ng aktres.
Dagdag pa niya, “Sama-sama tayong manalo at ipanalo ang akin ding Presidente….LENI ROBREDO.”
Ginamit rin ng dalaga ang mga hashtags na “#IvanaforLeni” at “#LetLeniLead”
Umaapaw naman ng pink emojis ang naging comment section ng post ni Ivana.
“Kaya labs kita eh! #LetLeniLead,” comment ng direktor na si Dan Villegas.
Saad naman ng kanyang co-actor sa paparating niyang teleseryeng si Jake Ejercito, “YESSS (pink heart emoji)”
View this post on Instagram
“Mga magaganda for Leni!” sey naman ng isang netizen.
Hirit pa ng isa, “Salamat po ate Ivana dahil ninoto niyo po ang susunod na presidente na matapang at gumawa ng mabuti para sa ating mga kababayan.”
Kung may mga masasaya at proud sa naging desisyon ni Ivana ay may mga netizens rin na tila kinukwestiyon ang dalaga.
“Sayang idol pa naman kita pero support lang. Solid BBM kasi kami. Waitong na lang sa mag-unfollow sa ‘yo,” sabi ng isang netizen.
Dagdag pa ng isa, “Wag na wag po tayong magkakamaling muli ngayong eleksyon! Hindi naiintindihan ng mayayaman kung sino talaga ang kailangan ng bayan! Mga plastic yang mga artista! BBM! BBM! BBM!”
Related Chika:
Ivana Alawi, Marco Gumabao magdyowa na nga ba?
Ivana walang kalandiang dyowa: Hindi ako naghahanap, hindi rin ako nagmamadali
Ivana never naging dyowa si Marco; binigyan ng pag-asa si Joshua sakaling manligaw
Ivana: Kung may nilabag akong batas, eh di kasuhan na lang nila pero lalaban ako
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.