Ivana never naging dyowa si Marco; binigyan ng pag-asa si Joshua sakaling manligaw Bandera

Ivana never naging dyowa si Marco; binigyan ng pag-asa si Joshua sakaling manligaw

Ervin Santiago |October 27,2021
share this

Ivana never naging dyowa si Marco; binigyan ng pag-asa si Joshua sakaling manligaw

Ervin Santiago October 27, 2021 - 02:04 PM

Joshua Garcia, Ivana Alawi at Marco Gumabao

SUMUSUMPA ang sexy actress at sikat na vlogger na si Ivana Alawi na wala silang relasyon ni Marco Gumabao.

Hanggang ngayon ay super single pa rin daw siya at walang katotohanan ang kumalat na chika na nagkakamabutihan na sila ng hunk actor na si Marco.

Sa kanyang live Q&A session sa Kumu kamakailan, isa sa mga sinagot ni Ivana ay ang tanong ng mga netizens kung ano ba talaga ang real score sa kanila ni Marco matapos kumalat ang sweet video nila together sa social media.

“Wala, huy! Totoo talaga na kapag may dyowa ako, sasabihan ko kayo,” ang simulang paliwanag ni Ivana.

Aniya, never silang nagkaroon ng relasyon ng aktor pero totoong isa si Marco sa mga malalapit niyang kaibigan sa showbiz.

“No, no, and no. Never kaming nagkaroon ng kahit anong relasyon, romantic, wala,” diin pa ng Kapamilya sexy star.

Marco umamin na sa tunay na ‘relasyon’ nila ni Ivana; nagpaalam kay Jake bago ‘chinurva’ si Kylie


At tungkol nga sa mga lumabas na litrato at video nila ni Marco sa socmed kung saan makikita silang magkasama at sweet na sweet sa tila isang videoke party.

“Hindi lang naman date ‘yon na kaming dalawa. We’re friends, I was also with other friends, and nasa bahay kami ng friend ko. 

“Wala, as friends lang talaga. There’s nothing, hindi kami. Wala. Para lang klaro sa lahat, wala,” paglilinaw pa ni Ivana.

May nagtanong din sa kanya kung hindi raw niya boyfriend si Marco bakit daw grabe kung makahawak ito sa kanyang hita, base na rin sa nasabing viral video.

“Alam n’yo guys, wala akong malisya. Kasi kahit sa mga friend ko, lahat sila yumayakap sa akin. Walang hipo-hipo. Wala ‘yon sa akin. 

“Basta hindi niya mahawakan ‘yung those parts, that’s a no. Baka masampal ko siya on the spot,” chika pa ni Ivana.

Bago nagsalita ang dalaga, nilinaw na rin ni Marco na friend lang talaga sila ni Ivana at wala talaga silang isinisikretong relasyon.

Samantala, isang netizen din ang nagtanong kung may pag-asa ba ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia sakaling manligaw ito sa kanya. Inamin kasi ng aktres na super crush niya talaga ang binata.

“Lahat naman, hindi ba? Lagi kong sinasabi, lahat may pag-asa,” pahayag ni Ivana.

Ivana walang kalandiang dyowa: Hindi ako naghahanap, hindi rin ako nagmamadali

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending