Tulfo, Eleazar, del Rosario sanib-pwersa sa kampanya: 'Lagot lahat ng luku-luko' | Bandera

Tulfo, Eleazar, del Rosario sanib-pwersa sa kampanya: ‘Lagot lahat ng luku-luko’

Ervin Santiago - May 05, 2022 - 08:42 PM

Monsour del Rosario, Raffy Tulfo at Guillermo Eleazar

LAGOT daw ang lahat ng mga “luku-luko” at “manloloko” sa tatlong senatorial candidates kapag nabigyan sila ng pagkakataong makapaglingkod sa mga Filipino.

Nagsanib-pwersa sa kanilang kampanya ang tatlong kandidato na may iisang layunin na makapaglingkod sa bayan — yan ay sina Monsour del Rosario, Raffy Tulfo at Gen. Guillermo Eleazar.

Dinumog ang tatlong kandidato sa naganap na grand rally nitong May 5 sa Cauayan, Isabela, ang hometown ni Tulfo.

Bagamat maituturing na bagito sina Del Rosario, Tulfo, at Eleazar marami raw silang pwedeng magawa sa Senado na hindi pa naisasakatuparan ng mga dati nang nasa posisyon.

Si Monsour del Rosario ay siyam na taon nang nasa public service. Matapos lisanin ang showbiz, anim na taon siyang nagsilbing konsehal sa District 1 ng Lungsod ng Makati, hanggang sa maging congressman mula 2016 hanggang 2018.

Sa tatlong taon niya sa Kongreso ay nakapagtala siya ng 292 house bills and resolutions, kabilang na ang Telecommuting Act o mas kilala bilang Work From Home Law na napakinabangan nang husto ng maraming Pilipino nang pumutok ang pandemya noong 2020.

“Si Monsour ay nagbigay ng karangalan sa ating bayan way back in 1988. Olympian siyang maituturing. Bukod pa riyan, siya ay naging miyembro ng 17th Congress so meron siyang karanasan bilang isang legislator,” ayon kay Tulfo.

“Okay ito maging kasama sa senado. Walang kakatakutan pagdating sa tama. Pag kami’y nagkasama sa senado, maaasahan niyo po gagawa kami ng maayos na trabaho na walang kinatatakutan – lahat tablado, lahat ng mga loko-loko,” dagdag pa niya.

Samantala, sa pamamagitan ng kanyang mga programa sa radyo at telebisyon, pati na sa kanyang YouTube channel, ay ilang libong ordinaryong mamamayang Filipino na ang natulungan ni Raffy Tulfo.

Mula sa pagsugpo sa mga mapang-abusong employer, tiwaling opisyal ng gobyerno, at hanggang sa alitan ng magkakapitbahay o magkakamag-anak ay natutulungan ni Tulfo na mailapit ang mga tao sa tamang kinauukulan upang mabigyang solusyon ang kanilang problema at makatanggap sila ng hustisya.

Napatunayan naman ni Guillermo Eleazar ang kanyang tapang at integridad sa ilang dekadang pagsisilbi sa bayan bilang isang pulis. Taong 2021 nang maabot ni Eleazar ang pinakamataas na posisyon sa pulisya bilang Chief ng Philippine National Police.

Ginawaran rin siya ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Philippine Legion of Honor award noong 2021, na isa sa pinakamataas na antas ng karangalan sa bansa.

Sa kanyang pagtakbo sa Senado, nais ipagpatuloy ni Eleazar ang kanyang hangarin na masugpo ang krimen at paigtingin ang peace and order sa bansa upang matulungan umangat ang ating ekonomiya.

“Kung kami ay papalarin, excited akong makatrabaho sina Raffy Tulfo at Gen. Guillermo Eleazar na alam kong tapat ang puso at isip para sa pagseserbisyo. Napakarami na nilang natulungan bilang brodkaster at bilang pulis kaya alam ko na mas marami pa silang matutulungan sa senado.

“Magkakasama naming itutuloy ang mga nasimulan ko noong ako ay nasa kongreso pa at ipaglalaban namin ang karapatan at kapakanan ng bawat Pilipino. Nagpapasalamat ako sa mga kababayan ni Idol Raffy dito sa Isabela sa inyong mainit na pagtanggap sa Team Monsour,” pahayag ng aktor at public servant.

https://bandera.inquirer.net/294400/raffy-tulfo-nagpaalam-na-sa-idol-in-action-at-frontline-pilipinas

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/286504/banta-ni-sassa-gurl-kabahan-na-kayo-barbie-at-jak-dahil-ako-na-ang-ibinabalita-ng-gma-lagot
https://bandera.inquirer.net/309990/pekeng-nude-photo-ni-alden-pinagpiyestahan-sparkle-talent-center-binantaan-ang-nagpakalat-ng-litrato

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending