Barbie Imperial game na game na nakipagtagayan habang nangangampanya | Bandera

Barbie Imperial game na game na nakipagtagayan habang nangangampanya

Alex Brosas |May 04,2022
facebook
share this

Barbie Imperial game na game na nakipagtagayan habang nangangampanya

Alex Brosas - May 04, 2022 - 07:23 AM

Sam Concepcion at Barbie Imperial

MARAMI ang humanga kay Barbie Imperial nang mag-viral ang isang  video niya while she was campaigning a partylist.

Kumalat kasi sa social media ang video at marami ang na-impress sa pagiging down to earth ng dalaga.

Wala kasing karate-arte si Barbie na tinanggap ang isang tagay na nagmula sa isang lalaki. Talagang napahanga ang marami sa ginawang iyon ng Kapamilya actress.

Imagine, habang nasa motorcade ay nagawang pagbigyan ni Barbie ang isang guy na nag-abot sa kanya ng tagay.

Talagang nagsigawan sa tuwa ang mga kalalakihan sa ginawang iyon ni Barbie. Siguro ay hindi nila inakala na kakasa ang dalaga sa tagayan ng grupo ng mga lalaki sa nasabing lugar.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BARBIE IMPERIAL (@msbarbieimperial)


Umani talaga ng papuri si Barbie sa social media.

“Barbie Imperial walang arte niyang tinanggap ang alak kahit hindi niya alam sino ang gumamit ng bason a pinag-inuman niya. Ang ganda na niya tapos wala pang arte.”

“Yan ang tunay walang halong arte.”

“Galing makisama si Barbie jan mo makikita ang tunay na tutuo.”

“Tama po kayo dyan mo makkita ang ugali ng isang tao maronong makisama di maarti si bie.”

“Di talaga yan ma arti si barbie nag punta yan dito sa lugar namin kasama sina Ethel at K Brosas. Simpling tao lang yan di maarte.”

* * *

Kasalukuyang trending ang “Diwata” music video ni Sam Concepcion tampok si “PBB Kumunity Season 10” celebrity housemate Shanaia Gomez at may higit sa 380,000 views na sa YouTube.

Bagay ang makulay na music video na naglalarawan ng summer afternoon party sa upbeat na tunog ng kanta.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naging theme song ng Miss Universe Philippines 2021 swimsuit competition ang “Diwata” na mula sa panulat nina KIKX Salazar, Nhiko Sabiniano, Ismael Alshdegat, at Theo Martel.

Barbie Imperial sa mga iniwan, sinaktan ng dyowa: OK lang na masaktan, tao lang naman tayo

Barbie itinangging buntis, humirit kay Diego: Ako nga pala yung sinayang mo! Ha-hahahaha!

Belle Mariano sinupalpal ang netizen na nagsabing hindi siya maganda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending