HINDI tulad ng mga nakasanayang final walk ng mga reigning beauty queens kung saan nakasuot ang mga ito ng magarbong designer gowns, ginulat ni Miss Universe PH 2021 Beatrice Luigi Gomez ang madlang pipol nang lumabas ito ng entablado.
Napa-wow ang lahat nang makita ang dalaga na naka-suot ng black and white wool brocade suit na gawa ni Francis Biliran.
Noon pa man ay talagang markado na si Beatrice sa paggawa ng kasaysayan buhat nang masungkit nito ang korona noong 2021 bilang Miss Universe Philippines.
Sa katunayan, ang dalaga ang kauna-unahang delegate na proud member ng LGBTQIA+ community na siguradong “one for the books” sa history ng pageantry world. Bukod rito ay parte rin siya ng Top 5 finalist sa nagdaang Miss Universe 2021.
At sa huling gabi ni Beatrice bilang reigning beauty queen at bago pa niya ipasa ang korona sa susunod na magiging representative ng bansa ay muling pinahanga ng dalaga ang netizens sa patuloy nitong pagtindig at pagbali sa mga nakasanayan.
Naging emosyonal rin ang dalaga nang ma-interview siya nina Pia, Irish, at Demi-Leigh matapos ang kanyang final walk.
Ani Beatrice, binago siya ng kanyang naging journey sa pagiging Miss Universe Philippines.
“It changed me a whole lot. I used to be the scared girl who was always scared to go out of my comfort zone but then I faced my fears and I am so glad that I was able to do it because there’s just so much greater things behind that fear and I’m so glad I was able to get passed that,” paglalahad ng dalaga.
Labis rin ang pasasalamat nito sa lahat ng mga taong naging bahagi ng kanyang paglalakbay.
“I am so grateful to each and everyone of you who have been on my journey, my Miss Universe Philippines Organization family, Aces and Queens, Beabies, everyone who supported me in this journey, all of the pageant fans.
“Thank you so much to all of your support and for believing in me. I wouldn’t be able to do all of this without your help. Thank you so much!”
At kung may lesson man daw na itong ibabahagi sa mga kandidata ng Miss Universe Philippines, nais niya malaman ng mga ito na palagi itong bumalik sa rason kung bakit nga ba sila sumali sa naturang pageant.
“There will be times that your beliefs will be easily shaken especially with the noise around you but it’s very important that you go back to your core and remember your purpose in joining this specific platform.
“Lastly, I want to be remembered as someone who advocates for the uniqueness and beauty of every woman, every Filipina.”
Related Chika:
Beatrice Gomez may ‘pasabog’ ngayong Valentines
Photos ni Miss Universe PH 2021 Beatrice Gomez bilang reservist, trending!
Beatrice Gomez ng Cebu City, wagi bilang Miss Universe Philippines 2021