WINNER! Kinoronahang Miss Universe Philippines 2022 si Miss Pasay City Celeste Cortesi sa katatapos lang na grand coronation na ginanap sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Tinalbugan at tinalo ni Miss Pasay ang 30 iba pang kandidata mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas matapos magpakitang-gilas sa pagrampa at sa pagsagot sa question and answer portion ng pageant.
Narito ang winning answer ni Miss Pasay sa tanong na, “If you could stop time for a day, how would you spend it?”
“If I could stop time, I would spend it with my family, especially mother. It’s been two years since I haven’t spent time with my family because they live in Italy, and I came here in the Philippines just by myself.
“If I had a chance to spend one day, I would definitely be with my mom, and I would just tell her how much I love her and I miss her,” aniya pa.
Wagi naman bilang Miss Universe Philippines Tourism si Miss Makati City Michelle Dee habang si Miss Bohol Pauline Cucharo Amelinckx naman ang itinanghal na Miss Universe Philippines Charity.
First runner up ngayong taon si Miss Misamis Oriental Annabelle McDonnell at Second Runner-up naman si Miss Taguig Katrina Llegado.
Mismong si Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez ang nagputong ng korona sa bagong reyna na siyang magiging representative ng Pilipinas sa 71st Miss Universe this year.
Sa halip naman na 32 kandidata ang rarampa sa finals night, 31 na lamang ang naglaban-laban matapos magkasakit si Miss Benguet Shawntel Cruz at hindi na nakayang mag-join sa pageant.
Umupo naman bilang hurado sa naganap na grand coronation night ang reigning Miss Universe na si Harnaaz Sandhu mula sa India. Naging bahagi rin siya ng preliminary competition at closed-door interview round ng pageant.
Nagsilbi namang hosts ng event ang mga Miss Universe queens na sina Pia Wurtzbach, Iris Mittenaere mula sa France at Demi-Leigh Tebow mula sa South Africa.
Nag-perform naman sa coronation night sina Bamboo at Morissette Amon, Sam Concepcion, ang rapper na si Ez Mil, Arthur Nery at ang Filipino-American “American Idol” finalist na si Francisco Martin na sumulat pa ng song para sa pageant na kinanta niya during the evening gown segment.
Ito ang first Miss Universe Philippines coronation night na binuksan sa general public. Ang huling dalawang edition ay ginawa under stricter COVID-19 protocols.
Ang inaugural event ay ginanap sa Baguio noong 2020 kung saan lahat ng kandidata at buong production team, pati na ang organizing committee at iba pang guests ay naka-lock in sa isang lugar.
Last year naman, ginanap sa iba’t ibang secured location ang prelimenary competition habang ang finals night ay isinagawa sa Bohol.
https://bandera.inquirer.net/312242/top-10-miss-universe-ph-2022-candidates-napili-na
https://bandera.inquirer.net/312238/michelle-dee-celeste-cortesi-pauline-amelinckx-maria-katrina-llegado-pasok-sa-miss-universe-ph-2022-top-16
https://bandera.inquirer.net/306745/miss-earth-2018-celeste-cortesi-join-naman-sa-miss-universe-ph-2022-i-know-my-purpose-kilala-ko-na-ang-sarili-ko