Pauleen kinarir ang 68th birthday celebration ni Bossing: Thank you for your love, babe! | Bandera

Pauleen kinarir ang 68th birthday celebration ni Bossing: Thank you for your love, babe!

Ervin Santiago |April 29,2022
facebook
share this

Pauleen kinarir ang 68th birthday celebration ni Bossing: Thank you for your love, babe!

Ervin Santiago - April 29, 2022 - 01:35 PM

Vic Sotto at Pauleen Luna

SI Pauleen Luna ang naging punong-abala sa 68th birthday celebration ng kanyang pinakamamahal na asawang si Vic Sotto.

Talagang kinarir ng TV host-actress at “Eat Bulaga” Dabarkads ang simple ngunit punumpuno ng pusong selebrasyon ni Bossing sa kanilang tahanan kahapon, April 28.

Mas naging bongga pa ito nang magdatingan ang ilan sa mga mahal sa buhay ng veteran TV host-comedian, kabilang na ang kanyang mga anak pati na ang ilang malalapit nilang kamag-anak.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Poleng ang mga litrato na kuha sa intimate birthday celebration ni Bossing Vic kung saan makikita nga ang ilang kaganapan sa kanilang bahay.

“Family”, ang maikling caption ng aktres sa mga ipinost niyang family photos sa IG with matching red heart emoji.

Ngunit ang mas nakatawag-pansin sa mga netizens ay ang litrato ni Vic kasama ang apat niyang mga anak —  sina Pasig City Mayor Vico Sotto, Danica at Oyo Sotto at si Tali, na all out talaga ang smile sa nasabing picture.

“Happy birthday,” ang tanging caption na inilagay Pauleen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto)


Nauna rito, nagbahagi rin si Pauleen ng kanyang sweet birthday message para sa asawa kalakip ang kanilang photo together. Sa caption, tinawag niyang “my rock amidst chaos” si Bossing.

Nagpasalamat din ang TV host-actress kay Vic sa patuloy na pagmamahal at pagsuporta nito sa kanya bilang asawa at nanay.

“My rock amidst the chaos. Thank you for your love, babe. I thank God everyday for your life. Happy birthday! I love you!” ang mensahe ni Poleng kay Bossing.

Sa Instagram din idinaan ng anak ni Vic na si Danica ang kanyang birthday message, “Wishing my handsome Daddy a happy happy birthday! May your special day be filled with joy, love and blessings. I love you so much Daddy!”

At siyempre, binigyan din si Bossing ng surprise birthday celebration ng kanyang “Eat Bulaga” family at isa-isang bumati sa kanya ang mga Dabarkads.

Sa kabila ng pangnenega ng haters sa relasyon nila dahil sa kanilang 34-year age gap, nagpakasal pa rin sina Pauleen at Vic noong January, 2016 sa St. James The Great Parish Church sa Alabang.

https://bandera.inquirer.net/285708/darren-kinarir-ang-pagpapaganda-ng-katawan-sa-canada-my-look-is-a-lot-more-mature-now

https://bandera.inquirer.net/307869/lola-ni-xian-na-lumalaban-sa-breast-cancer-malakas-pa-rin-sa-edad-na-87-shes-doing-better-now

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/310488/ai-ai-kinarir-ang-immersion-para-mas-maging-epektib-ang-role-bilang-nanay-na-may-isip-ng-7-years-old

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending