Awra Briguela may pasaring sa Twitter: Bagong Pilipinas, bagong mukha tapos Marcos, Duterte pa rin?

Awra Briguela may pasaring sa Twitter: Bagong Pilipinas, bagong mukha tapos Marcos, Duterte pa rin?

 

MAY patutsada ang vlogger at performer na si Awra Briguela sa mga taong nagsasabi at kumakanta ng “Bagong Pilipinas, Bagong Mukha”.

Aniya, kung gusto raw talaga ng tao ng “bagong Pilipinas” at “bagong mukha” ay bakit iboboto pa rin ang presidential candidate na si Bongbong Marcos at ang running mate nito na tumatakbo sa pagka-bise presidente na si Sara Duterte.

“Bagong Pilipinas, Bagong Mukha? Tapos Marcos, Duterte ulet? HAHAHA (crying ang laughing emoji),” saad ni Awra sa kanyang Twitter account kahapon, April 26.

Iba’t iba naman ang naging reaksyon ng mga netizens sa tweet ng anak-anakan ni Vice Ganda.

Reply ng isang netizen, “Andun na nga po tayo sa walang kasalanan si BBM sa kasalanan ng tatay niya, pero bakit po yung achievements ng tatay nya yung dahilan bakit nyo sya iboboto? Dahil ba Marcos sya? Di naman po yung tatay nya iboboto nyo.”

“You know what Awra, I idolize you pero dahil dito hindi na!! I know Leni kayo at alam namin kung bakit, and I respect that but disrespecting our BBM di lo mapigilang magalit!! Kailangan ba talaga?” saad pa ng isa.

 

 

“Bago din ba si Leni? Tanong lang,” sabat naman ng isang netizen.

Dagdag pa ng isa, “Petty. Di mo ba alam a mostly sa mga nagpasikat sayo is BBM-Sara supporters? How cpuld ypu say that?? Why can’t you just be happy and support others for who they believe. Sumikat ka lang because of us kasi akala namin mabait ka, pangit rin pala ugali mo. Grow up.”

May ilan pa nga na nagtatanong kung botante na ba si Awra para tumalak ukol sa papalapit na eleksyon.

Wala namang sinagot si Awra sa mga ibinatong tanong sa kanya ng mga netizens. Marahil sy mas pinili na lang niyang dedmahin ang mga bashers at trolls para na rin siguro sa kanyang peace of mind.

Matatandaang isa si Awra Briguela sa mga artista na nanindigan at tumindig para magpakita ng suporta sa tambalang Leni Robredo at Kiko Pangilinan na tumatakbo bilang pangulo at bise presidente sa darating na May 9 elections.

Present rin siya sa nagdaang Pasay people’s sortie kung saan sa unang pagkakataon ay binasag na ng kanyang nanay-nanayan at manager na si Vice Ganda ang kanyang katahimikan at pormal nang inendorso ang kandidatura ni Vice President Leni Robredo.

Related Chika:
Awra ipinagtanggol si Julia sa mga basher; binalikan ang gabing itinanghal bilang Prom Queen sa Catholic school

Awra Briguela inaming ‘mentor’ si Coco Martin, nag-sorry dahil naiba ang career path

Awra proud na napagtapos ang ama sa kolehiyo: Ako po yung umakyat sa stage para bigyan siya ng diploma

Read more...