Dexter Doria tinawag na ‘credit grabber’ si Bongbong Marcos dahil sa Bangui windmills

Dexter Doria tinawag na 'credit grabber' si Bongbong Marcos dahil sa Bangui windmills

NA-FACT check ng beteranang aktres na si Dexter Doria ang presidential candidate na si Bongbong Marcos matapos nitong isama ang Bangui Windmills bilang isa sa kanyang mga accomplishments.

Matatandaang nitong April 20 ay naglabas ang kampo ni Bongbong Marcos ng video kung saan ipinamalas niya ang kanyang mga nagawa habang nasa puwesto.

Aniya, ang Bangui Windmills ay nagawa niya sa pamamagitan ng”malapit na pakikipagtulungan at kooperasyon ng pribadong sektor” na naging dahilan para sa mas mababang singil sa kuryente sa lugar at naging modelo ng mas malinis at sustainable source ng enerhiya sa rehiyon.

Kaya naman sa ikawalong episode ng kanyang YouTube vlog na “DidiSerye” ng aktres kung saan siya ay gumaganap bilang guro na si Nana Didi ay binalikan niya ang kung paano nga ba nabuo ang naturang windmills sa Ilocos Norte.

Saad niya, “Noong 1996, ginawa ng Northwind Power Development Corporation ang Bangui Windmills sa Ilocos Norte base sa research ng National Renewabke Energy Laboratory ng USA.”

 

 

Ani Nana Didi, noong mga panahong itinayo ang proyekto ay gobernador si Bongbong ngunit hindi siya ang bumuo o naghanap ng pondo para rito.

“Ayon sa research ko, kinomisyon ng World Bank ang project at kasalukuyang may pinakamalaking shares sa windmills ang AC Energy.”

Hirit pa ni Nana Didi, “Ang paggamit ng windmills o pagsabing idea niya ito kahit hindi naman totoo ay credit grabbing. In other words, gusto ng recognition kahit hindi pinagtatrabahuhan.”

Buwelta pa niya, “Huwag magpauto sa credit grabber. Gusto lang niya umeksena kapag gusto niya na kayo ang gumawa ng lahat ng trabaho.”

Wala pa namang sagot ang kampo nv presidential candidate na si Bongbong Marcos ukol sa video ni Dexter Doria.

Related Chika:
Claudine Barretto nagpakita ng suporta kay Bongbong Marcos, pero bakit nakaladkad sa isyu si Rico Yan?

Hirit ni Bongbong kay Direk Paul Soriano: Ano ang sikreto mo at fresh ka kahit nasa initan?

Toni suportado nina Mariel at Bianca sa gitna ng kanegahan sa politika: Welcome to the outside world!

 

Read more...