Hirit ni Bongbong kay Direk Paul Soriano: Ano ang sikreto mo at fresh ka kahit nasa initan? | Bandera

Hirit ni Bongbong kay Direk Paul Soriano: Ano ang sikreto mo at fresh ka kahit nasa initan?

Therese Arceo |December 14,2021
facebook
share this

Hirit ni Bongbong kay Direk Paul Soriano: Ano ang sikreto mo at fresh ka kahit nasa initan?

Therese Arceo - December 14, 2021 - 03:28 PM

Hirit ni Bongbong kay Direk Paul Soriano: Ano ang sikreto mo at fresh ka kahit nasa initan?

PINURI ni presidential aspirant Bongbong Marcos sina vice presidential aspirant Sara Duterte at Direk Paul Soriano.

Sa isang Twitter post ay inihayag ni Bongbong ang pagkamangha sa dalawa kalakip ang kanilang larawan habang nasa caravan.

“Ibang klase ang paninindigan nitong dalawa kong kasama! Salamat Direk Paul sa pagsali sa caravan!” saad ni Bongbong.

Biro pa nito, “Ano ba ang sikreto mo at fresh ka kahit nasa initan?”

Kasama si Direk Paul sa nagdaang caravan ni Bongbong sa San Pablo, Laguna noong Disyembre 10 bilang tanda ng pagsuporta sa pagtakbo nito bilang presidente sa darating na eleksyon sa 2022.


Marami naman sa mga netizens ang natuwa sa solidong pagsuporta ni Direk Paul kay Bongbong na isa sa mga principal sponsors sa kasal nila ng aktres na si Toni Gonzaga.

“I’m speechless. Simula nung interview mo kay Toni tapos ngayon pinuntahan ka ni Direk Paul para i-full support ka… Godbless Gonzaga fam!” comment ng isang netizen.

“God bless you Direk Paul for joining the caravan! Thank you po!” saad pa ng isang netizen.

“Wow si Direk Paul! Thanks much po! God bless you always. We love you po!” sey pa ng isang netizen.

Kung may natuwa man sa ginawa ni Direk Paul ay mayroon ring mga naimbyerna sa direktor.

“Kaya ayaw ko na manood ng mga shows na kasama si Toni e. Kakampi ng sinungaling at magnanakaw,” comment ng isang netizen.

“Cancelled ka na talaga, Dorek Paul and Toni! Kadiri!!” hirit naman ng isang netizen.

“Sumusuporta ka ba naman sa magnanakaw talagang maiinis kaming matitino sa ‘yo!” saad ng isa pang netizen.

Matatandaang nag-trending rin nitong taon ang asawa niyang si Toni Gonzaga matapos mag-viral ang one-on-one interview ng aktres kay Bongbong sa isang YouTube vlog nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami ang hindi nagustuhan ang tila pagiging “enabler” ng aktres at diumano’y pagiging isa sa mga “instrumento” sa pagbabago ng kasaysayan.

Related Chika:
Toni binanatan ng netizens dahil sa interview kay Bongbong: Such a disappointment!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending